Chapter 40

640 25 11
                                    

This chapter is dedicated to: SophiaNelPacatang and yaniel1317

Neither of us felt awkward after that hug. We didn't want to let go, but we had to. And how many times did I feel like I was walking to space because of the effect he had on me? Alam niyang lutang ako kaya tuwang-tuwa siya ngayon.

Pagkatapos pasadahan ng tingin ang mga braso kong nakayakap sa sarili, tumutok ang nangugusap niyang mga mata sa mukha ko. "Do you still remember? The second time we met, you were wearing your cousin's coat. I couldn't hit on you thinking that you already have a boyfriend..."

Towering over me, he removed his coat and put it on my shoulders. Pagkatapos ay lumandas ang mainit niyang mga palad sa mga pisngi ko. Suminghap ako at dahan-dahang naghiwalay ang mga labi ko nang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"...But right now, it wouldn't bother me 'cause you're wearing mine," he gently whispered, his warm breath tickling my ear.

"It's yours. I won't really mind it at all," tugon ko na nagpangisi sa aming pareho.

Lumapit siya sa akin at kulang na lang ay ikulong ako sa kanyang mga braso. At dahil nasa tapat kami ng lobby, hindi maiwasang mapatangin sa direksyon namin ang mga taong nasa loob at labas ng hotel. Ang iba'y nagbubulungan pa dahil namukhaan ang kasama ko. I looked down and almost buried my face on his chest.

"Why are you hiding? I don't care if they see us together," aniya at sinubukang silipin ang mukha ko.

"Alam mo na? Baka ma-issue tayo..." sagot ko at mas lalong ginalingan ang pagtatago.

He chuckled and snaked his left arm around my waist. "I just told you, I don't care. They're looking at my future wife anyway. What's the big deal?"

Namilog ang mga mata ko hindi dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa akin kundi dahil sa sinabi niya. Aware that I got too shocked, he leaned his head closer to mine and playfully blinked his amber eyes just so I could snap out of it. My cheeks turned red, so he flashed a teasing smile.

"Shall I call you 'Mrs. Schmidt' from now on?" Kumunot ang noo ko. "Oh! Okay! Friends lang pala tayo..."

Ngumuso siya at pahapyaw na umirap, tila nagtatampo sa akin. Tumawa ako sapagkat naninibago sa ipinapakita niya ngayon. At dahil wala na siyang balak na ibaba ako, minabuti kong kumapit na lang ng mabuti sa leeg niya. Itinago ko ulit 'yung mukha ko at sa isip ay humingi ng paumanhin nang nakita kong nalagyan ng makeup ang puting button-down shirt na suot niya.

Sa biyahe ay ipinaalam ko kay Lola Carmelita na magkasama na kami ni Marcus. But it seemed like she was enjoying the party 'cause I didn't receive a reply.

"You haven't eaten yet, right?" tanong ni Marcus na pabalik-balik ang tingin sa akin at sa daan.

Ibinaba ko 'yung cellphone ko at sumulyap sa kanya. "Hindi pa. Nagugutom na nga 'ko, eh," sagot ko sabay himas sa tiyan ko.

Binilisan niya ang pagpapatakbo. Saktong paglingon ko sa bintana ay may nakita akong maliit na cart ng street foods.

"Teka! Pwede na dito!" sabi ko kaya mabilis niyang inapakan 'yung preno.

"Where?" his eyebrows furrowed as he looked outside.

Natawa ako dahil inakala niyang fast food restaurant ang tinutukoy ko kaya 'yon ang hinahanap niya ngayon. Tumikhim ako at itinuro ng maayos 'yung cart na nakahinto sa gilid ng bangketa, sa ibaba ng overpass. Medyo late na, pero marami-rami pa 'yung tinda ni Manong.

"Oh! You want that?" tumango siya, walang mababakas na panghuhusga sa kanyang mukha.

I pursed my lips. "Oo. Nakakain ka na no'n, 'di ba?"

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now