Chapter 50

630 30 3
                                    

This chapter is dedicated to: Jvnielsamkyle and Jannielle_Parado

Sa paglipas ng mga araw ay pataas nang pataas ang pabuya na inilatag ng PNP para sa pagkakahuli sa mga suspek. Balik-serbisyo na rin ako at kahit mabigat ang dinadala ko ay hindi ko naman magawang dalhin 'yon sa trabaho.

"Bata ni Mayor, eh. Type rin ng anak niya kaya mahirap banggain. Tayo ang mayayari, pre."

"'Wag lang siyang pasikat dito dahil hindi siya uubra. Wala akong pakialam—"

Tumikhim ako ng malakas at nakangiting pumasok sa kitchen. Natigilan 'yung dalawang senior ko at naiilang na sinuklian ang aking ngiti. Hawak ang tumbler, lumapit ako sa water dispenser at 'agad naman silang lumayo sa akin. After that, they left me alone.

Spacing out, I didn't notice that the water was overflowing. I sighed and pulled it away from the faucet quickly. Kumuha ako ng tissue at pinunasan 'yung parte ng sahig na nabasa.

They weren't exactly bullying me; they were intimidated by me. Iyon ang napansin ko sa unang linggo ko rito. They thought I was competing with them and I was a threat. Ang hangad ko lang naman ay magsilbi sa bayan at magtrabaho ng maayos. Hindi na dapat pinapalaki ang bagay na katulad nito.

Minabuti kong bumalik sa desk. Right now, I was just reviewing a case. There wasn't much going on lately, but this was better than doing nothing.

"Hello? Kumain ka na? Ngayon pa lang ako mag-la-lunch," bungad ko nang sagutin ang tawag ni Marcus.

Tumawid ako ng kalsada at naglakad patungo sa bakery na 'di kalayuan sa presinto.

"Not yet. Kakatapos ko lang mag-empake. What are you having for lunch? Kakain na rin ako."

Nalungkot ako sa narinig. Mamayang gabi na ang flight niya pabalik sa Germany. Pupunta ako sa hotel at sasama sa paghatid sa kanya sa airport.

"Umm, tinapay lang..." Tinuro ko sa tindera 'yung Spanish bread sabay abot ng barya. "Mabilisang kain lang..."

He sighed. "Baby, it's just a quick trip. I'll be back in two or three days. I promise."

"Okay. Agahan ko na lang ang pagpunta sa hotel. Diretso na 'ko diyan pagkatapos ng duty," kinuha ko 'yung supot ng tinapay at pumasok sa bakery para makaupo. May ilang lamesa at upuan kasi roon.

He sighed again. "Nandito na 'yung pagkain ko. Sasabayan kita..."

I leaned on the chair as my gaze went over the trees outside. "Eat well. I love you."

"I love you, too, Olaia," he murmured softly.

He could make me smile easily—just like that. Mahal na mahal ko ang lalaking ito; higit pa sa akala niya at sa lalim ng kahulugan ng mga salitang iyon.

Suot ang itim na hoodie at sleeveless top sa ilalim, denim jeans, at sneakers; nag-motor ako patungo sa Max Grand Hotel. Tinalo ko pa 'yung VIP guest kung salubungin ako ng mga bodyguard ni Marcus sa lobby. At nanliit ako sapagkat naglalakihang mga tao ang kasama ko ngayon. Nag-upgrade talaga ang security niya mula nang nangyari ang insidenteng iyon.

Pagtungtong sa top floor, tumayo ang babaeng secretary ni Marcus upang batiin ako. "Good evening, Ma'am. Mr. Schmidt is in the conference room right now. He'll join you in his office shortly."

"Noted. Thank you!" I smiled at the pretty woman in front of me.

Binuksan ng dalawang bodyguard 'yung double doors. As I entered the room, the smile on my face faded instantly after seeing Alexander Wilde at the receiving area. Tumayo siya at nakangisi akong nilapitan.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now