Chapter 38

584 31 8
                                    

This chapter is dedicated to: helloparkshenie and clrjd_18

Pikit-mata kong tiniis ang pagkahilo at kagustuhang sumuka. Galit na galit mag-drive 'yung kasama ko na para bang may tinatakasan kami sa bilis niyang magpatakbo. I didn't know what had gotten to him—or why did he suddenly took me away. The last time I checked, he obviously wasn't pleased to see me.

Huminga ako ng malalim at tinanaw ang mukha niya. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at mas nadepina ang kanyang panga gawa ng pagdiin niya sa mga ngipin niya. Grabe! Galit na galit!

"Stop it. You're distracting me," he said as his gaze stayed at the road.

Kumapit ako sa seatbelt nang lalong bumilis ang kanyang pagpapatakbo. "Stop driving, then. You're seriously scaring me."

Gulat siyang napatingin sa akin, tila ngayon lang napagtanto na sa ginagawa niya'y maaabot na namin ang langit. Napamura siya at sa isang iglap ay naging normal ang bilis ng takbo ng sasakyan.

Bumuntonghininga ako. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?"

Pabalik na kami sa Makati at nakakita siya ng pwedeng pagparadahan. He parked the car beside the convenience store and then it hit me—déjà vu. He must've realized it as well 'cause he was staring blankly at the steering wheel.

"Bibili lang ako ng tubig..." kinalas ko 'yung seatbelt at 'agad lumabas sa sasakyan.

Pero kung hindi ba naman ako tanga, naalala kong wala pala akong dalang pera! Pinadyak ko ang paa ko bago pumihit pabalik. Malayo ang tingin, yumuko ako at kumatok sa bintana.

Marcus rolled his window down. "O, ano?"

Tumayo ako ng maayos, hindi pa rin makatingin sa kanya. "Pautang muna ako..."

Habang ang kaliwang kamay ay nakatago at kinukurot ang likod ko, dahan-dahan kong inilahad 'yung isa ko pang kamay sa kanyang harapan. Saka lang ako napatingin sa kanya nang magpatong siya ng mabigat na bagay doon. My eyes widened when I saw his wallet on my palm.

"Huy! Tubig lang ang bibilhin ko! Hindi kasama 'yung 7 Eleven!" ibabalik ko na sana 'yung wallet nang bigla niyang sinara 'yung bintana at pinatay ang makina ng sasakyan.

Umatras ako nang narinig ang pagbukas ng pinto. Wearing a white Gucci t-shirt, denim jeans, and white sneakers; Marcus' playful gaze locked into mine as he stepped out of his car.  He turned around to push the door and the wind's direction went straight to him—completely blocking it out so the hem of my dress wouldn't lift up. Nang dahil doon ay nanuot sa sistema ko ang ginamit niyang pabango. The scent that I missed...

Staring at him closely without him seeing it, I noticed that he made some changes in his hairstyle; it was a bit shorter and messier now. Naka-heels na ako, pero 'di hamak na mas matangkad pa rin siya. And it looked like he was going out often, which explained his medium complexion.

Ganunpaman, siya pa rin 'yung lalaking kilala ng puso ko...

"After you," aniya pagkatapos i-lock ang mga pinto.

Hinawakan ko ng maigi 'yung wallet niya at nanguna sa paglalakad papunta sa convenience store. 'Gaya ng sinabi ko, kumuha ako ng dalawang bote ng mineral water. Bilang sentro ng atensyon ng mga kababaihang naroon, siya naman ay tahimik lang na sumusunod sa akin.

"Just water? Hindi pa 'ko kumakain..." parinig niya.

I glanced at him. "Kumuha ka na lang ng gusto mo diyan. Kailangan ko ng tubig kasi nahihilo ako. Palong-palo ka kasi mag-drive."

He crossed his arms and stared down at me. "Why are you blaming me? And don't even dare to blame it on the alcohol. Hindi mo na-kontrol ang sarili mo kaya ka nahihilo ngayon."

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now