Chapter 47

743 36 5
                                    

This chapter is dedicated to: iamqueenamethyst and WencyAlipio

Nang nabalitaan ni Lola Carmelita na nagka-malay na si Glen Romualdez ay sumabay na ito sa amin pabalik ng Maynila. Napa-aga ang uwi namin nang hindi inaasahan, pero ayos na rin iyon dahil matagal-tagal na namin itong hinihintay.

"What are you doing here?!" sigaw ng maybahay ni Glen nang nakita kami sa hallway ng ospital, sa labas ng ward nito.

Halos buong pamilya ko ay sumama sa akin dito pati na ang mga pamilya ng ibang biktima. Mahigpit ang pagkakahawak ni Marcus sa kamay ko at sa likuran namin ang pinagsamang mga bodyguard niya at ni Lola Carmelita. Nakapalibot din ang mga pulis na nagbabantay sa labas ng ward.

Naunahan akong magsalita ni Lola Carmelita. "So what if we're here?! It's not like we're worried about your husband! We just wanted to make sure that he's awake!"

"Lola..." pigil ko dahil baka biglang tumaas ang altapresyon niya.

Tumayo si Rein at dinuro kaming lahat—nagtagal ang daliri nito sa akin. Malaki ang ibinagsak ng katawan at kapansin-pansin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito—malayong-malayo sa itsura noong huling hearing.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito! Hindi pa ba sapat na pinahirapan mo ng husto ang pamilya ko?! We almost lost everything because of you! Ang anak ko, nakakulong! Ang asawa ko, nakaratay sa kama! Ang isa kong anak ay binu-bully sa school! All because of you!"

Umambang hahakbang si Marcus, ngunit pinigilan ko siya. I gritted my teeth and tried to calm myself down. Ang ibang pasyente at mga bantay nila ay nanonood. Maging ang napadaang mga nurse at doktor ay nasaksihan ang mala-teleseryeng eksena namin dito.

Ate Jeminah scoffed at Rein Romualdez. "Really? You're blaming the victim?"

"It's not my niece's fault. It was all decision, your choice. Now face the consequences because you deserve it," ani Tita Celestina.

Hindi nagpatinag si Rein at sinubukan akong lapitan. Pero naitulak na ito palayo ni Marcus bago pa man dumaplis ang kamay nito sa balat ko. Pagkatapos ay umaksyon na rin ang mga pulis upang hindi na ito mag-eskandalo.

Nagpasama si Lola Carmelita kay Tito Emmanuel at umupo sila sa gilid. Nilinis na ng mga awtoridad ang hallway kaya nawala ang mga nakiki-usyoso. Sa tulong ni Daniel, nakausap namin ang doktor ni Glen Romualdez. Pumayag ito na masilip namin kahit saglit 'yung pasyenteng kriminal.

"Sumama po kayo sa 'kin sa loob," sabi ko sa pamilya ng ibang biktima.

Before I stepped in, I glanced at Marcus and smiled. Tumango siya sa akin at kahit magkausap sila ni Daniel ay hindi niya inalis sa akin ang kanyang tingin.

A private room was provided for the congressman. He was really awake and his right hand was handcuffed to the bed. Unlike the others, I kept my distance from him as it was already enough for me to know that the hearing would move forward in a few days or weeks.

"May desisyon na dapat ang korte bago ang death anniversary ng mga biktima kung hindi lang nagkasakit ang lalaking 'yan! Pinahirapan pa tayo ng husto! Hindi biro ang um-attend sa hearing at makinig ng paulit-ulit sa mga kasinungalingan niya pati ng abogado niya!" anang lola ng isang biktima.

Sumang-ayon 'yung isa. "Sinabi mo pa, 'Nay! Pero matagal mamatay ang masamang damo! Baka pati nga sa impyerno ay ipagtabuyan siya!"

"Naku! Tumigil na nga ho kayo! 'Wag ninyong gayahin 'yung maybahay niyan na eskandalosa. Ang mahalaga naman ay nagising na ang kurap at kriminal na kongresista. Uusad na ulit ang kaso," wika ng lalaki na umawat sa dalawa.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Donde viven las historias. Descúbrelo ahora