Chapter 7

606 30 7
                                    

Nakaturo na sa alas tres 'yung kamay ng orasan, pero hindi pa rin ako makatulog. I'm sober now, thanks to the soup that I heated up. Habang nakaupo sa kama at pinakikinggan ang hilik ni Bridgette, na-realize ko kung ano 'yung gustong kunin sa akin ni Marcus.

The handkerchief...

I don't get it. He can replace it a million times, but he still wanted it back. May sentimental value siguro? 'Yon lang naman ang nakikita kong rason, eh.

Bumubuntong-hininga, tumayo ako at inilabas sa bag ko 'yung panyo. Bitbit ang planggana, kumuha ako ng sabong panlaba at dinala ang mga 'yon sa lababo.

Sa sobrang tagal kong tulala sa maliit kong balkonahe, halos naabutan ko na ang pagtuyo ng panyo ni Marcus. I immediately went back inside and grabbed my phone. I read his text message last night after drunk dialing him.

From: Marcus Hotel

I'm sorry, I didn't mean to bother you. Just set a date and I'll come to you.

Pinag-isipan ko ng mabuti ang ire-reply ko dahil nahihiya ako sa ginawa ko. I even called him an idiot.

To: Marcus Hotel

I'm sorry about last night, Mr. Schmidt. I'll just go to the hotel later. Alexander doesn't need to pick me up.

Pumunta ako sa kusina para makapaghanda ng agahan namin ni Bridgette. Kaya lang, hindi ako makapag-focus dahil pabalik-balik ang tingin ko sa cellphone ko. At, nang umilaw ang screen niyon ay tuluyan ko nang pinabayaan ang ginagawa ko.

From: Marcus Hotel

I understand, but you don't have to come here anymore. Ako ang pupunta sa 'yo.

Hindi ko inintindi ang mga kamay ko kahit basa pa ang mga iyon. Kagat ang ibabang labi, 'agad akong nag-tipa ng reply.

To: Marcus Hotel

You're still awake?

Obviously, Olga! Pero 4:05 a.m. pa lang! And so? Bawal ba siyang gumising ng maaga?

From: Marcus

Yeah, I can't sleep.

My phone vibrated again.

How about you? Does the alcohol makes you feel uncomfortable that you're still awake at this moment?

Saulado na ng utak ko ang isasagot ko roon nang biglang nag-shutdown 'yung lintek kong cellphone. Hinanap ko 'agad 'yung charger at parang gusto ko na lang ipadyak ang mga paa ko sa inis nang maalalang naiwan ko 'yon sa desk ko.

"Shit," nilingon ko 'yung bag ni Bridgette; kaya lang, iba 'yung brand ng cellphone niya.

Mas lalo akong nataranta nang maamoy ko 'yung nasusunog na kawali. Umungot si Bridgette at dali-dali naman akong lumapit doon.

"Punyeta! Ang tanga-tanga mo, Olga!" sabi ko pagkatapos ilagay 'yung mga hotdog sa kawali kahit wala pang mantika 'yon.

What the fuck is wrong with me?

Bridgette groaned. "Mmm! Ano ba, Olaia?!"

Sinampal ko 'yung pisngi ko para magising ako. Dahil naalisan na ng balat 'yung mga hotdog—literal na balat—hiniwa-hiwa ko na lang ang mga 'yon at isinama sa sinangag. Nag-timpla rin ako ng kape at tinawag na si Bridgette na napilitang bumangon nang dahil sa akin.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now