Chapter 41

535 27 14
                                    

This chapter is dedicated to: Iloveyouharu_13 and s3ND3y

Nag-iwan ng pera pang-grocery si Bridgette kaya pumunta ako sa Savemore pagkatapos kong maglinis. Dalawang taon na siyang nakatira sa unit at ito ang kadalasan niyang ambag sa akin. Of course, I'd accept the money. Kahit naman mag-best friend kami, dapat lang na maging praktikal kami ngayong marunong na kaming tumayo sa sarili naming mga paa.

Ginamit ko 'yung BMW dahil pang-isang buwan na ang bibilhin kong supply. When I arrived at Savemore, Bridgette informed me that she and Warren will be having lunch at our place. Ni-reply-an ko siya at kumuha na ng malaking pushcart.

"Miss! Sandali!"

Narindi ang mga tainga ko nang tumama sa pushcart ko 'yung isa pang pushcart sa kanan na mag-isang umaandar. Mabilis kong hinuli 'yon para hindi na bumangga sa shelves ng mga de lata.

Lumingon ako. "Ito na po 'yung—" natigilan ako nang nakilala ang babaeng nagma-may-ari no'n.

Halos napatalon 'yung kapitbahay ko. 'Agad niyang kinuha 'yung push cart. "S-Salamat... Pasensya na..."

"No problem po," sabi ko, ngunit tuloy-tuloy lang ang paglalakad nito.

Narrowing my eyes, I crossed my arms and leaned back on the pushcart. Marso ngayon—ang init-init ng panahon. Pero parang nasa Winter Wonderland 'yung babae dahil balot na balot ang katawan nito.

Hmm, balot na balot. Weird. Pero kung titingnan ko ang ibang anggulo, hindi kaya... Common sense lang ang kailangan hindi ang pagiging pulis para maisip 'yon.

Binilisan ko ang pamimili para mahabol ko 'yung babae. Naabutan ko itong nag-aabang ng jeep sa tapat ng Savemore kaya nilapitan ko na.

"Uh, sumabay na po kayo sa 'kin..." Bumaba ang tingin ko sa limang mabibigat na plastic bags na hawak niya. "Mahihirapan kang mag-commute sa dami ng bitbit mo..."

'Tulad kanina'y nagulat siya nang nakita ako. Ramdam ko ang pagka-ilang namin sa isa't isa, pero hindi talaga ako mapalagay kaya nagkusa na ako.

"Kung gusto mo lang naman po..." I added abruptly.

"Ayos lang ako, Ma'am. Mag-co-commute na lang ako. Salamat," she said politely, avoiding eye contact with me.

"Okay po. Ingat," tinanguan lang niya ako.

Pinara niya 'agad 'yung paparating na jeep. Naghintay ako hanggang sa nakasakay siya at nakaalis iyon. Bumuntonghininga ako at pumunta na sa parking area. Ipinasok ko ang aking mga pinamili sa trunk at binuhay ang makina ng sasakyan. And as I wait for the car to cool down, I read Marcus' text message, asking if I was free on Friday.

May pumasok ulit na text message galing sa kanya.

From: Marcus Schmidt

I have to go back to Germany on Saturday, Olaia. I want to take you somewhere before I leave.

Half-day lang ako sa Friday, morning shift pa. Ngumisi ako. Pwedeng-pwede!

Sa condo, ang taas ng energy ko habang nagluluto ng Spicy Chicken Curry. Nang tuluyang lumambot ang manok, nagsaing naman ako. Na-miss kong magluto ng ganito dahil palagi na lang takeout ang kinakain namin ni Bridgette gawa ng pagiging abala sa trabaho. Ni hindi ko pa nagugupitan ang buhok ko kaya napapaisip na lang ako kung pahahabain ko o ibabalik sa maiksi iyon.

The food was ready to be served and I was just waiting at the living room to kill some time. Malapit na raw sina Bridgette at Warren. Habang nanonood ng TV, pumasok ang balitang na-li-link si Kirsten Buenaflor sa assistant director na si Yuan Chen?

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon