Chapter 54

551 26 1
                                    

This chapter is dedicated to: Anacrisbaluyot and Yudylynexwayzi

Itinuloy ang pagpapalibing kay Papa bago kami umalis sa Bohol. Kasama ang aking pamilya at mga kaibigan sa pagbalik sa Metro Manila, sinalubong kami ng magandang balita na matutuloy na ang hearing kaugnay sa mga kaso ni Glen.

Mahigpit ang kapit sa braso ni Marcus sa pagbaba sa eroplano, ipininta ng mukha ko ang isang malapad na ngiti. Ngunit sa pag-apak ng mga paa namin sa lupa'y hindi ko inaasahang makita si Azure Lorenzo. Natigilan kami ni Marcus kaya nagbara ang pintuan ng eroplano sapagkat ang mga kasunod naming bumababa ay napahinto rin.

Hila-hila ang maleta ay nilapitan kami ni Azure. We both smiled at each other before he glanced at Marcus.

"You ready, bro?" he asked him.

Marcus looked clueless. "Wait, as in now? But I haven't told her yet," his apologetic gaze dropped on my face.

Azure flashed an impish grin. "We can't delay the flight. My family will be looking for me if I'm gone for too long. Besides, the wedding's near. We talked about this..."

"Fine, Kuya. Magpapaalam lang ako..." labas sa ilong na sagot ni Marcus at marahan akong hinila papunta sa gilid.

Napangisi si Azure na ngayo'y naghahabol ng tingin. 'Agad namang napawi ang atensyon niya sa amin nang lapitan siya ng kuryoso kong lola at tita.

Kinalabit ko na ang lutang na si Marcus. "What's happening? Sa'n kayo pupunta ni Azure?"

Staring at me, he clicked his tongue and sighed deeply. "To Germany... We're on the last step on proving Kirsten's relationship with the Schmidts. Pero sabi kasi ni Kuya Azure bukas pa, eh. Tita Melody will probably go nuts!"

"Siya pa lang ba ang nakakaalam ng mga pinaggagawa n'yo? 'Cause if I were you, I wouldn't tell my parents yet.

He pinched the bridge of his nose and nodded. "Yes, love. If this is a big mistake, I want to spare them from pain and disappointment. Saka ko lang ipapaalam sa kanila kapag lumabas na ang result ng DNA test—na sasadyain namin ni Kuya Azure sa Germany."

Tinapik-tapik ko ang balikat niya dahil bigla akong na-excite. "Then, what are you waiting for? Umalis na kayo ni Azure!"

He pouted as he thought that I wanted him gone. Well, yes! Para malaman na nila ang totoo, 'di ba?

"Grabe ka sa 'kin..." Ikinulong niya ako sa kanyang mga braso at niyakap ng mahigpit. "Oo na, aalis na kami. We'll be back in two or three days. I'm gonna miss you so bad..."

"I'm gonna miss you, too." I pulled away and kissed him on the lips. "I know you'll be happy with the result. Your family deserves the truth."

Smiling at me, he bowed his head and gently pinched my cheek. "We all do."

Sa airport na kami naghiwalay ni Marcus. My family was asking about his sudden trip, but I just ignored their question. Lulan ng van ay patungo kami ngayon sa Quezon City. Pinilit ako ni Lola Carmelita na roon na lang matulog kasama si Bridgette. Si Renan naman ay kahapon pa umalis kasabay nina Daniel, Warren, ang aming mga kabaro, at mga kriminal.

Leaning closer to my left, I whispered to Jeremiah. "Nasa Grand Rêve rin si Harmony Travilla, 'di ba? Close ba kayo?"

"Oo..." Taking his gaze off his phone's screen, he looked at me. "No'ng una hindi masyado, pero naging ka-close na rin dahil nililigawan siya ni Sean. Why did you ask?"

"Wala naman..." Nagdalawang-isip ako kung itutuloy pa ba ang pagtatanong. "Hmm, mabait ba siya?"

Again, my cousin had to lock his phone so, he could give his full attention to me. "It depends on who's she's talking to—or kung sino'ng kasama niya. Pero 'yung first impression ko sa kanya ay mataray at may pagka-maldita talaga. Only Sean can tame her. Madalas din siyang realtalk-in ng best friend niyang si Hailey kasi immature pa. However, she's hella gifted. Ang talino at ang ganda ng boses no'n! Kaya na-in love do'n si Sean, eh."

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon