Chapter 22

511 19 2
                                    

"Talaga bang... nagpakamatay siya dahil gusto siyang mabulok sa kulungan ng kinakasama niya?" tanong ko kay Salve habang pinapanood namin sa TV 'yung report ni Martin.

Tumango ang nakahalukipkip na si Salve. "Oo, gano'n na nga, Bok. Dumalaw 'yung babae dito kahapon at 'yon ang pinagtalunan nila. Ayon sa ibang preso, galit na galit daw si Kiko at nagwawala sa kulungan. Walang makapigil lalo na't may inklinasyon na manakit 'pag inawat."

Ayon sa nalaman ko mula sa mga kabaro ko, mag-a-alas sais ng umaga nang nagising 'yung isang preso na kasama ni Kiko sa lock up jail. Nagulat na lang daw siya nang naramdaman ang mabigat na katawan ni Kiko sa gilid niya. He called the jail officer on duty, but he was sleeping. He screamed to wake him up and he succeeded on that part. They immediately called for an ambulance, but Kiko was already dead during that time. Tiyak na mananagot 'yung jail officer dahil sa kanyang kapabayaan.

Base sa medico-legal report, respiratory arrest ang ikinamatay ni Kiko. It was caused by prolonged apnea because he stopped breathing for a long time. He also suffered from brain injury as he was untreated for more than five minutes.

Hindi maiwasang mapataas ang kilay ko habang tinitingnan ang profile ni Kiko sa Facebook. Given the situation, naiintindihan ko na galit at frustration ang nagtulak sa kanya upang kitilin ang sarili niyang buhay. But what I didn't understand was that he gave up just like that even though he would do anything for his only son. Malinaw na malinaw sa mga post niya kung gaano niya kamahal 'yung bata. Ni wala nga akong nakitang picture nila ng live-in parter niya roon kaya naman nabuo 'yung ideya sa utak ko na matagal na silang hindi magkasundo. Kumbaga may lamat na ang kanilang relasyon. At, ang isa sa mga ikinagalit niya ay ang pag-iwan nito sa kanya sa ere gayong kaarawan pala ng anak nila bukas.

A father like him wouldn't abandon his child so easily; he was desperately trying to find a way to get out of here. Nawalan lang ba talaga siya ng pag-asa o may iba pang dahilan?

"Bridge, may gagawin ka mamaya?" tanong ko nang na-corner ang aking kaibigan sa kitchen.

Ibinaba niya 'agad 'yung tasa ng kape. "Bakit? Pupunta ka sa hotel?!"

"Hindi! Puro ka naman kalandian!" Umirap ako. "Gusto ko sanang pumunta sa burol ni Kiko. Pwede ka ba?"

Malungkot siyang umiling. "Hindi ako pwede, friend. May inaasikaso kaming case kaya need kong mag-OT."

Sumandal ako sa sink at saglit na nag-isip. Bridgette was looking seriously at me while she was drinking her coffee. Malamang ay nagtataka siya kung bakit ko gustong pumunta sa burol ng taong hindi ko naman kilala.

"Hey..." Umusog ako papunta sa kanya. "Do you think it's suicide? I really want to believe it, but something feels off. Hindi ko lang masabi kung ano 'yon."

Natahimik siya, senyales na iisa ang tumatakbo sa mga utak namin. "Yeah, it's odd that he killed himself knowing how badly he wanted to get out. Sa resulta ng investigation ni Hepe, nag-amok si Kiko dahil inakala niyang nasa feeding program 'yung kinakasama niya. There's a foul play for sure and we don't need to turn a blind eye to ignore the fact that everything's pointing to one direction: his live-in partner."

"Right? May malalim na dahilan talaga—" mabilis akong siniko ni Bridgette nang pumasok ang dalawa naming kabaro.

Tumikhim siya. "Yes, I'll see to it, Arnuevo. Thank you for informing me. Mag-ingat ka," ibinulong niya 'yung huling pangungusap.

"Yes, Ma'am. Thank you!" Iniwasan kong makipag-eye contact sa mga kabaro namin at 'agad nang umalis doon.

Pagkatapos ng duty ko, umuwi ako sa apartment para maligo at magpalit ng damit na mapagtatakpan ang pagkakakilanlan ko. As I stepped outside the gate, I was only wearing a jeans, black t-shirt, and a combat boots. But once I got inside the car, I slipped on the leather jacket and a black mask to cover half of my face.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now