Chapter 24

450 17 0
                                    

Ako ang itinuturong primary suspect sa pagpaslang kay Lambert Faustino. Nangako si Hepe na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito at ang pag-bato sa akin ng ilang katanungan ang unang hakbang sa paglutas ng kaso. 

Walang imik kong ibinaba ang tingin sa litrato sa harapan ko. Naka-handusay sa tapat ng apartment na makikita sa kaliwang bahagi ng kalsada ang katawan ng biktima; tadtad ng bala ang leeg at likod nito. Ang mga basyo na sa tantiya ko'y nasa walo ay nagkalat isang metro mula sa kinaroroonan ng katawan. Nakadapa ito, tanda na sa likuran umatake 'yung suspek. Mapapansin din 'yung mga patak ng dugo at ang nasa malayong banda na tsinelas nito—indikasyon na nakatakbo at nagtangka itong pumasok sa loob ng kanilang tahanan.

"Nakapag-piyansa na ang biktma at nakakain pa bago ito umuwi sa kanila. It's obvious that the suspect tailed him from here to their house," panimula ni Hepe.

"I never saw this coming, Sir..." puno ng simpatya kong sinabi.

"Neither do I, Arnuevo." Pinagsalikop niya ang mga daliri niya at mataman akong tiningnan. "Now, I'm going to ask you. Where were you when it happened? Sinabi ni Mrs. Faustino na umalis ka sa tinutuluyan mo kaninang madaling araw—pagkagaling mo rito para i-turnover 'yung biktima. At, nangyari 'yung krimen ilang minuto bago ka dumating. Based on the witnesses' testimony, a female officer riding a motorcycle shot him to death. Ikaw ang itinuturo ng ina na pumatay sa anak niya dahil ikaw ang may motibo para gawin 'yon."

What? A policewoman?!

I swallowed hard and looked him in his eyes bravely. "Sir, I'm not going to sugarcoat anything, but I'm innocent. No'ng umalis po ako sa apartment, dumeretso ako sa Max Grand Hotel-Manila. Kasama ko po 'yung boyfriend ko mula no'ng mga oras na 'yon hanggang sa ihatid niya ako dito.  Sir, I would never do such thing. I just wanted to teach him a lesson 'cause no woman—no one—deserves to experience something so horrible. I didn't feel safe in that place; someone was watching me secretly and I just did what I had to do. Killing him was absolutely out of my mind—no matter how angry or scared I was."

Napasandal si Hepe sa inuupuan at bumuntonghininga. "I heard you, Arnuevo. I feel bad that you went through something like that. But to be fair, we need to include you in the investigation until you're proven innocent. In accordance with Republic Act No. 7438, you'll be put under custodial investigation for now. You need to cooperate. Please, surrender your gun and badge."

"I will, Sir. I'll gather the evidences that'll prove that I didn't do anything wrong," tiim-bagang kong tinitigan 'yung litrato at patagong ikinuyom ang palad ko.

Just who in the world was playing with me? Did he kill Lambert as an act of revenge? Or, he just simply wanted to make me suffer?

Bumalik ako sa ulirat nang lapitan ako ng mga kabaro ko pagkalabas ko sa opisina ni Hepe. Bridgette looked so worried and hugged me immediately.

"Kumusta? Ano'ng sabi ni Hepe? Ano'ng alibi mo? Will you be put into custody?!" sunod-sunod niyang tanong.

"Bok, naniniwala kami sa 'yo..." bagama't tipid ang pananalita, mababakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Alfredo.

"Tama! Hindi mo magagawa 'yon! Yakang-yaka mo 'to, Bok!" ani Renan para palakasin ang loob ko.

Edwin tapped my shoulder. "Tutulungan ka namin, Bok. Sabihin mo lang 'pag may kailangan ka."

I nodded and smiled at them. Marami pa silang katanungan, ngunit hindi ko naman kayang sagutin lahat lalo pa't nagkukumpulan kami sa tapat ng opisina ni Hepe.

Sinamahan ako ni Bridgette sa Investigation Unit at kulang na lang ay pagsilbihan ako sa pag-aasikasong ginagawa niya. Binigyan niya ako ng tubig at hindi ko naman 'yon magawang inumin dahil sa sobrang kaba ko.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Where stories live. Discover now