Chapter 20

526 21 2
                                    

Hinila ko 'yung bimpo sa likod ko at pinunasan 'yung pawis sa noo ko. Papasok na sana ako sa trabaho at minamadali nang tapusin 'yung pagkabit sa mga lock nang dumating 'yung pinsan ko.

Bihis na bihis ang gwapong si Jeremiah. He's always had a smiling face, but if you'd look at him for a little longer; you would realize that you already fell in his trap. This one of a heck cousin of mine was a notorious playboy. Sa kanilang magka-kaibigan, parang si Seija lang 'yung medyo matino.

I could still remember the day when we first met; he had no idea that I was his long lost cousin, so he flirted with me. Just, what the fuck! Had our grandmother didn't interfere, I would've punched him in his face.

At 'pag natapos ang pakay rito, mukhang tutungo siya sa unibersidad sa Maynila na pinapasukan hindi para mag-aral, kundi para makipag-landian. He sat on the sofa and crossed his legs. Habang sumisimsim ng kape, panay naman ang paglilibot niya ng tingin sa kwartong inuupahan ko.

"What's wrong, cous?" Nilapag niya 'yung tasa sa DIY table at sumulyap sa akin. "May nanggulo ba sa 'yo? Bumalik ka na kasi sa condo n'yo. Mas safe do'n."

Tinabihan ko siya at pinag-krus din ang mga hita ko. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayokong bumalik do'n. Kuntento na 'ko dito."

"Matigas talaga ang ulo mo! Kanino ka kaya makikinig?" tanong niya at nginisian ako.

"Sa sarili ko..." Kumunot ang noo niya. "Malaki na 'ko. Kaya ko nang mag-desisyon para sa sarili ko. At, wala namang nanggulo sa akin o ano kaya 'wag ka nang mag-alala."

He sighed and nodded his head. "Basta 'pag hindi ka na kumportable dito, sabihin mo sa 'kin at tutulungan kitang maglipat do'n sa condo n'yo."

"Thank you! Ang sweet mo naman! Sana gan'yan ka rin sa mga girlfriend mo, 'no?" panira kong sinabi.

"Pa-epal talaga 'to..." inangat niya 'yung dala niyang puting box at ipinatong 'yon sa table.

I smirked at him. "'Uy, nag-abala ka pa!"

Dumukwang ako at tinanggal 'yung takip ng kahon. Nang makita ang kulay ng nilalaman no'n, napagtanto ko na 'yon ang susuotin kong dress sa kasal ni Ate Jeminah sa Linggo.

"Inutusan ako ni Maica na kunin 'yung dress niya do'n sa shop nung Mikee. Sinabay ko na 'yung sa 'yo para hindi ka ma-hassle," paliwanag niya.

I gave him a sincere smile. "Salamat, Miah!"

"Dahil diyan, pa-utangin mo 'ko ng 500 pang-gas," sinapak ko 'yung braso niya kaya humagalpak siya ng tawa.

Nagtagal pa si Jeremiah ng ilang minuto sa kwarto ko dahil pabebe siyang uminom ng kape. Na-late tuloy ako ng 15 minutes kaya nag-report 'agad ako sa supervising officer ko pagdating ko sa headquarters.

"You were chosen to be the food controller, Arnuevo. Tumungo ka sa conference room dahil may nagaganap na meeting do'n ngayon. PMSg. Ibanez and Pat. Flores will be handling the blotters for now," ani PLT. Regielyn Ramirez.

"Yes, Ma'am!" Pumirma ako sa logbook at nagpaalam na sa aking supervisor.

Ngayong araw nga pala ang aming monthly Feeding Program. Target naming pakainin ang 'higit sa tatlongdaang residente sa Brgy. Bangkal. Tiyak na makakasama ko ang mga kaibigan kong patrolman.

Pagkatapos ng briefing sa conference room, sumakay na kami sa vehicle. Hindi lang kami ang lulan no'n dahil naroon na rin ang dalawang napakalaking kaldero ng lugaw, mga nilagang itlog, pritong tokwa, at condiments.

"Nakakagutom! Para sa mga bata lang ba 'to, Bok?" tanong ni Renan sa akin.

"May natira pa 'ata sa headquarters. Pagsaluhan na lang natin mamaya," sabi ko at binasa na ang reply ni Marcus sa s-in-end kong picture namin ni Miah kanina.

Gunned Down (Chasing Dreams Series #4) | C O M P L E T E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon