Prologue

1.2K 38 0
                                    


ASHKIELL LOUISE CLARKSON

I WAS catching my own breath as I fell on the ground after that hard punch strike straight to my face. Halos manlabo ang paningin ko at hindi agad nagawang makatayo. This battle is a fucking death wish. Alam kong wala akong laban kay Speros dahil hindi naman ako kasing galing niya at kumpara sa lakas na meron siya sa ganitong larangan, isa lamang akong pipitsugin na madali lang din niyang madidispatsa.

Mabigat ang mga paghingang naituon ko ang braso sa isang tuhod bago palihim na ininda ang sakit ng buong katawan na kanina pang bugbog sarado. Kahit mahirap, pinilit kong makatayo at muling pumosisyon para sa muling pagsugod.

“You can no longer do this, Clarkson,” Russ mocked with conviction that makes me greeted my teeth.

Nag-angat ako ng tingin para masalubong ang mukha niya na may iilang galos pero hindi ganoon kalala. Walang ekspresyon ang mukha niya pero mapaglaro ang ngising namumutawi sa mga labi niya na parati kong nakikita kapag nag-eenjoy siya sa ginagawa.

Mas lalo akong nainis! He perfectly knows I can never win against him.

“Hindi ako magpapatalo sayo. Hindi sa pagkakataon na ito.”

Mabilis akong sumugod dito at nagpaulan ng magkakasunod na suntok na ilang beses ding sinalag ng kamao niya. Dala ng panghihina, halos hindi na mag-abot ang kamao ko sa kanyang katawan at mukha na binabalewala niya lang.

Nang makakita ng pagkakataon mabilis nitong sinipa ang sikmura ko bago tuluyang lumapit sa akin at buong lakas na sinuntok ang aking katawan.

I distance myself and unconsciously shakes my head. Hindi ko napagtuunan ang pagtulo ng dugo mula sa gilid ng ulo ko at muling sumugod. I deliver a strong punch straight to his face and another one on his jaw. Wala akong pake kung matamaan ko man siya o hindi. Alam kong may konti pa akong lakas na natitira at gagamitin ko iyon para manalo sa laban na ito kahit gaano pa ka-imposible.

Bakas ang galit sa mukha ni Russ habang sumusugod sakin. Ang bawat paglatay ng suntok at sipa niya ay puno ng diin dahil alam kong kasalanan ko kung bakit kami naglalaban ngayon. I used my both hands to shield and block his punches but I was caught off guard when he grips my hand strongly and flip it at the back of my body. Malakas akong napasigaw ng sipain nito ang binti ko at tapakan iyon kasabay ng malakas na pag-ikot niya sa harap ko para lang tuhurin ang mukha ko.

Halos maubusan ako ng lakas sa tindi ng sakit na rumehistro at magkakasunod na napaubo ng dugo.
Masakit! Ramdam ko ang pamamanhid ng buo kong katawan pero hindi dapat ako magpatinag. I groaned hard as I tried to lift my body. Nabuwal lang ako at muling napasapo sa dibdib dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam.

“I won’t kill you yet if only you agreed to my proposition Clarkson.”

" H-hindi! Hindi ako magpapatalo s-sayo... h-hindi ako papayag!"

nahihirapan kong saad na nakapagpangisi naman sa lalaking kaharap.

" We'll see about that. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo."

I greeted my teeth in anger and run towards him. Sinalubong ako nito ng suntok pero mabilis akong nakaluhod at kinabig ng paa ang binti niya na ikinabagsak niya sa sahig dahil sa hindi inaasahan kong pagsugod.

Walang pag-aalinlangan ko itong kinubabawan at pinaulanan nang magkakasunod na suntok.

"Damn you Speros!  Hindi ako papayag na magpatalo sayo! G-gago ka.”  I punch his face successively until it gets swollen. Dumudugo na rin ang mukha niya pero wala akong pakielam. I need to defeat him. Hindi ako papayag na manalo ito dahil buhay ng kapatid ko ang kapalit. Damn it! There would be no way in this world that I will let him have my sister. Fucking never!

“Fuck you!” he roared angrily at me.  Malakas nitong iniumpog ang ulo sakin na ikinalayo ko. Muli kong naramdaman ang matinding hilo. Agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at hindi pa man ako nakakahuma, hinila na nito ang braso ko at magkakasunod na suntok sa mukha at dibdib ang ibinigay sakin. Napabuga ako ng dugo at napaluhod. Sapo ko ang dibdib nang maramdaman ang pagbigat ng paghinga ko.

“I can fucking kill you without remorse, Clarkson. Pero dahil ginagalang ko ang pagkakaibigan natin kaya hahayaan kita ngayon. Pero sa oras na humarang ka pa sa lahat ng desisyon ko, papatayin kita.”

"G-gago k-ka! H-hindi pa... t-tapos.” Ilang beses ko pang sinubukang tumayo pero nabuwal lang ako sa
sa kinatatayuan. I heard his taunting laugh. Kahit hindi ko siya lingunin, batid kong masaya na siyang nakikita akong nahihirapan at makabayad sa pantatraydor na ginawa ko sa clan.

"Stop trying Louise. Your sister is the collateral I want to compensate with your betrayal. I won this battle and you have no right to go against me this time.”

“N-not my sister. P-patayin mo nalang ako, huwag mo lang idamay ang kapatid ko. Wala siyang alam.”

Rinig ko ang pag-ingos nito at ang paglapit ng yabag nito sa direksiyon ko. Niluhod nito ang isang tuhod sa harapan ko para makapantay ako na pagod lamang na nakasalampak sa sahig ng ring.

“My sister also has nothing to do with all of this Clarkson. She only wanted a peaceful life and I’m trying my best to give her that. Pero makasarili ka. You dragged her out of my sheath in expense for your freedom and now you’re begging?” I remain silent and immobile. Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan nito na ikinalala lang lalo ng konsensya at galit sa sarili na nararamdaman ko.

  “I want revenge!  And your sister will compensate me for what you did to my sister. Hangga’t hindi mo naibabalik ang kapatid ko, sinisiguro ko sayo na hindi rin magiging maayos ang buhay ng iniingatang mong kapatid,” malamig at puno ng galit niyang asik bago tumayo at umalis na sa loob ng ring kasama ang gang niya na tinapunan lamang din ako ng malamig na tingin.

Pakiramdam ko ay tuluyan ng gumuho ang mundo ko dahil sigurado ako na hindi titigil ngayon si Russ hangga’t hindi ko nagagawa ang gusto niya. Kasalanan ko to! Kung hindi lang sana ako duwag, hindi mangyayari ito sa kapatid ko.

“Hindi mo kasalanan, Louise. Ginawa mo lang ang makakatulong para hindi mapahamak ang pamilya mo.”
I look at my gang and smile weakly at them. Kung alam lang nila. Mas lalo lang gumulo ang lahat dahil sa padalos-dalos na aksiyon ko na nagpalala lang ng sitwasyon.

***
Literatura Heiress💕

Chained Under His Possession (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora