Chapter 8 (SPG)

905 24 3
                                    

Warning: Mature content ahead; Read at your own risk.

ARYLL CLARKSON

"AHY bwiset! Anong mukha 'yan?"

Xchia looked at me as if I were a big joke when she saw me walking with a face so beautiful but down and long into the hallway of the university.
Dinuro pa niya ako at hindi malaman kung tatawa ba siya o hindi dahil sa hitsura ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang hagurin niya ang kabuuan ko at nagtagal pa sa pugto kong mga mata na hindi naman ganun kahalata dahilsa make up na nilagay ko kanina, pero kung sa malapitan siguro kagaya ng ginawang pagtitig ni Xchiana sakin ay talagang makikita ng ayos.

Hinawakan niya ang pisngi ko at binaling pa sa magkabila para makita ang anggulo nito kaya asiwa kong hinampas ang kamay niya.

"Kagandahan parin ang makikita mo kahit anong anggulo mo sipatin kaya wag kang masyadong humanga, Xchia," nakangisi kong sambit. Kahit mabigat ang loob ko, pinilit kong umaktong normal dahil baka mag-usisia lang siya sa rason kung bakit ako ganito. Ayoko naman na pati siya ay mag-alala pa dahil baka mapahamak lang siya. Wala na dapat pang may madamay sa nagugulo kong buhay.

Inungusan ako ni Xchia bago lumakad nang patalikod para makita parin ako kahit naglalakad na. Hinayaan ko nalang siya dahil baka nabighani nanaman siya sa ganda ko dahil minsan lang talaga may nilikhang sobrang pinagpala si Papa God at ako ang isa sa mga patunay. Dapat ay i-share ko naman sa kanila ang blessings ko dahil wala sila nito.

"Mukha kang zombie na hindi pa nakakakain ng utak, Aryll. Sa hilatsa ng mukha mo para kang stress na stress. May problem ka pa ba bukod sa mga natatanggap mong threat?" nagbibiro pero nag-alala niyang tanong sakin.

I gaped at her irritatingly. "Syempre may problema rin ako. Hindi mo lang nahahalata kasi syempre masyado akong maganda."

Her expression suddenly strained. Alam kong alam niya na wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo kaya dinadaan ko sa biro ang lahat, pero syempre hindi biro ang kagandahan ko dahil iyon talaga ang pinakamalaking ambag ko sa lipunan. Hindi dapat iyon mawalan ng acknowledgement sa kahit na anong pagkakataon kaya kulang nalang ngayon ay batukan ako ni Xchia dahil hanggang sa seryosong bagay ay nagagawa ko pang magloko pero nginisian ko lang siya. It's not like I'm bluffing, tho. Marami naman talaga akong mga bagay na pinoproblema pero dahil maganda ako nawawalan iyon ng bisa. Hindi ako sobrang mukhang stressed dahil nanalo ang mukha ko sa labanang ito. Hashtag, feeling blessed.

"Alam mo minsan, tang-ina ka rin eh."

"Thank you. Ikaw araw-araw eh."

"You're welcome. Share your blessing."
Kinindatan pa niya akong kinatawa ko kaya inalis ko nalang sa isipan ko ang mga nangyari kagabi para hindi na ako maapektuhan pa. Ayokong tuluyang mag-isip ng masama dahil baka wala na akong ibang magawang maayos kung iisipin ko kaagad ang mga mangyayari na hindi pa naman nagaganap. Pano pag dumating na? Edi dalawang beses akong nag worry? Tsk. I should be concentrating on the present moment and not on anything else. Mahirap itong kalagayan ko, pero kung mag-iingat ako, hindi naman ako mapapahamak siguro. I just need to be cautious and wary of my surroundings. Hanga't maingat ako at masusunod ang mga bagay na gusto niya, wala naman sigurong mangyayaring masama sakin.

"Have you already informed your brother about the death threats you've been receiving?"
Nag-angat ako ng tingin kay Xchia nang marinig ko ang mahina niyang tanong na iyon. Kasalukuyan kaming nasa library at pareho namang mamayang hapon pa ang schedule ng class namin, we decided to do some reading in here. Kakaunti ang tao sa malawak at malaking library na ito dahil pasado alas nwebe palang at nasa kasagsagan ang klase. Nagtataasan din ang mga shelves at halos hindi na magtagpo ang mga paningin ng bawat isa sa mga taong pumapasok at tumatambay sa mga espasyo ng lugar kaya hindi ko maintindihan kung bakit bumubulong si Xchia eh kami lang naman ang nandito sa may bandang west wing. Napa weirdo niyang tao; buti nalang kinaibigan ko siya at natagalan ko ang limang taon na pagiging magkaibigan namin kahit pa nga yung apat na taon doon ay long distance friendship kami dahil nasa Ireland nga ako dahil sa tamawo kong Kuya, dahil kung hindi ay baka lumala na siya. Pakiramdam ko nasa mabuting kamay na siya ngayon dahil sakin.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now