Chapter 37

182 9 0
                                    

MIDST SILVESTRE

I couldn’t contain the smile I have on my lips as I was driving on my way to my private rest house. I was holding Akira’s hand who’s only leaning on the side of the window facing my direction. I notice her face is still flush and red after the kiss we shared earlier and after hearing the words I have spoken her. Hindi ko na iyon inulit sa kanya ngayon dahil alam kong naguguluhan pa rin siya at nabigla ko na siya kanina. I will let her said it herself when everything is clear to her already. I can wait.

“Midst?”

“Yes baby?” Tinapunan ko siya nang mabilis na tingin bago uli sa daan.

“Where is your rest house located?”

“Tagaytay. Why?”

“Are you sure we’re safe there? Hindi ba tayo matutuntun doon ng mga kalaban mo, o ng mga tauhan mo?”

I could sense worries consuming her tone as she speaks. Tumango ako bago saglit na binitawan ang kamay niya para iliko ang sasakyan sa tabi ng kalsada at huminto roon. I face her side before holding her hands again and squeeze it.

“It’s safe baby. Walang ibang nakakaalam ng isla ko roon maliban sakin kaya wala ka dapat na ipag-alala. You and Sin will be safe there. Trust me, okay?”

“I trust you, of course. Nag-aalala lang ako na baka nga tama si Kuya sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano ba ka delikado ang organisasyon niyo, pero kung tototo ang sinabi niya na buhay ang kapalit para tuluyang makakalas sa anumang ugnayan na meron ka roon, natatakot ako para sayo, Midst. Paano kung bigla ka nalang malagay sa peligro nang hindi mo namamalayan? Paano kung sa isang iglap, mawala ka samin ni Sin? Natatakot ako, Midst.  Sigurado ako na kahit saan tayo magpunta, hangga’t hindi ka nila napapatay, hindi nila tayo titigilan.”

Her hands were trembling from my grip. I tried to calm her, but fright’s already consuming her system. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos.

“Look, baby. Alam kong nag-aalala ka, pero huwag ka nang masayadong mag-isip pa tungkol doon, please? Leave this thing to me and I will work with it. Magtiwala ka lang sakin! Alam kong delikado, but I won’t let myself be put in danger. Ako nang bahala; sa kung paanong paraan man na walang buhay na mawawala ay pag-iisipan ko pa. But trust me with this one, baby. I know what I’m doing. I will never be boss for nothing, so calm down for me, please? Baka kayo naman ni Sin ang mapahamak dahil sa kakaisip mo.”

I’m worried as fuck! Simula pa kanina ay wala na akong naibigay sa kanya kundi takot at lungkot dahil sa mga nangyari, and it’s obviously stressing her out. I thought I could simply turn things well but it was the other way around. Mas lalo ko lang nakikita kung gaano kadelikado ang buhay na maibibigay ko sa mag-ina ko dahil sa gulo ng mundo ko.  Alam kong tama si Creed. Hindi madaling kumalas sa organisasyon kahit buwagin ko ang grupo ko. I have already inflicted chaos inside the dark circle, and the war is about to begin.

Dahil sakin kaya nagkaroon ng gulo at mas lumala pa ang pagkakawatak-watak ngayon ng mga clan na nasa ilalim ng pamumuno ni Speros. I killed the former Mafia master, and that must have result for the other clan to rebel and build an alliance with mine. Bukod pa roon ay mas lalo lamang din tumindi ang kagustuhan ng Ignavus na mapabagsak din ang Rosso para sila ang mamuno sa dark circle.

Kilala ko ang Ignavus, kung sakaling tinanggap ko ang alyansang ibibigay nila, magtatrayduran lang kami dahil mas malala pa ang kasakiman nila sakin. That is the reason why death is the only option to cut connection with dark circle. Iyon ay para makasigurado na wala nang mangyayaring pag-aalsa o panibagong gulo na magdudulot nanaman ng giyera kagaya ng ginawa ko. But I can’t let that happen. Hindi ngayon na gusto kong makasama nang matagal ang mag-ina ko at makita ang paglaki ng anak namin. Hindi ngayon na ginugusto kong magbago para sa kanila.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now