Chapter 39

172 9 2
                                    

ASHKIELL LOUISE CLARKSON


“May traydor sa grupo, iyon ba ang gusto mong sabihin, Louise?”

Hindi maipinta ang mukha ni Tim habang pauli-uling naglalakad sa harapan ko. Nanatili akong nakaupo sa couch ng opisina ko pagkatapos ng duty ko sa Ospital. Himalang sa kabila ng mga bumabagabag sa isipan ko ay nakapag perform pa ako ng surgery kanina na ipinagpasalamat ko.

Kahapon ay hindi mawala sa isip ko na sa lahat ng sulok ng hideout namin ay may iba pang taong nakikinig at nag mamatyag sa lahat ng kilos namin – patunay ang bug devices na nakita ko sa bawat lugar kung saan kami nag-uusap ng gang na inispeksiyon ko talaga.

I don’t want to jump into conclusion even after discovering things. Wala akong basehan kung totoo man na may tumatraydor samin sa grupo dahil hindi ako makaisip ng dahilan sa bawat isa para gawin ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam kung sino ang paghihinalaan ko dahil hindi ko naman iyon naiisip.

Fuck! Gulung-gulo na ako.

“Louise,” muling tawag sakin ni Tim at mahina pang tinapik ang balikat ko para kunin ang atensyon ko. Doon lang ako muling natauhan sa tawag niya kaya nag-angat ako ng tingin at naguguluhan siyang binalingan.

“Hindi ako sigurado, pero malakas ang kutob ko.”

Pansin ko ang pagtango nito at wala ang bakas ng gulat kundi pagkadisgusto ang bumalatay sa mukha. Hindi ko napansin kung paano rin rumehistro sa ekspresyon ko ang pang-aakusa na ikinabaling nito sakin.

Natigilan ito dahil sa mapanuring tingin na pinupukol ko sa kanya. Napaatras pa nga at nagugulat na itinaas ang dalawang kamay sa ere at defensive na umiling.

“Oy tangina! Hindi ako ah. Bakit ganyan ka makatingin? Mapanghusga, gago.”

“Wala akong sinabing ikaw. Defensive ka lang.”

Sinamaan ako nito ng tingin. “Eh bakit ka kasi ganyan makatingin? Anong problema mo?”

Naglakad ito papalapit sakin at walanghiyang umupo sa center table na akala mo ay hindi iyon salamin. He pointed his index finger towards my direction and said. “Uunahan na kita ah. Paghinalaan mo na lahat wag lang ako, gago. Simula pagkabata magkabuhol na mga intestines natin kaya paano ko pa magagawang mag traydor eh kulang na nga lang pakasalan kita sa sobrang loyal ko sayo.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now