Chapter 29

232 9 0
                                    


ASHKIEL LOUISE CLARKSON

“NAKILALA mo kung sino?”

“Hindi, pero sigurado ako na hindi si Midst Silvestre ang kumuha kay Rania.”

“May iba pang nasa likod ng pagsabog noon sa dating base ng Rosso, maaaring may kinalaman ang Sopranos, pero maaaring hindi sila ang utak.”

“Kung ganun, yung transaksiyon, maaaring parte lang din ang Sopranos at hindi sila ang nagpasimuno? Bakit nga naman nila sisirain ang negosyong kakikitaan nila ng malaki? I don’t understand. Ang daming butas ng imbestigasyon na nakalap ko. Maliligaw lang lalo tayo sa paghahanap kay Rania at sa totoong kalaban kung hindi nagkakatugma-tugma ang mga impormasyon.”

“Kailangan na nating humingi ng tulong sa Rosso. Alam kong may hindi tayo napagkakasunduan pero alang-alang sa mga taong pinoprotektahan natin, baka naman pwedeng kalimutan muna natin ang lahat?”

“Louise, I need your decision. Kung ano ang magiging desisyon mo, susunod kami.”

“Louise! Louise!”

Napaigtad ako nang may malakas na pwersa ang humampas sa balikat ko. Kunot ang noong bumaling ako kay Tim na nagtatanong ang hitsura ng mapansing wala ako sa sarili.

“What’s the matter? Nakikinig ka ba?”

“Huh?”

“We’re talking about the clan we encounter in the transaction, Louise. We have been asking for your opinion but you seem defeated by your own thoughts. Are you sure you’re okay?” may pag-aalala ang tinig na tanong ni Niill sakin na ikinabuntong hininga ako. Tinapunan ko ng tingin ang gang at tipid na ngumiti.

“Sorry. I was actually thinking of something.”

“If it’s about Aryll, maybe you should just stop that.”
Bumaling ako kay Tim at nagpilig ng ulo para sabihing hindi naman iyon ang inaalala ko. Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan ng kapatid ko, pero sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni Russ. Hindi ko rin alam kung magpapasalamat ba ako rito dahil kahit papaano ay hindi ko na muna kailangang isipin kung paano ko siya mapoprotektahan habang nasa puder ko.

Now that Aryll is under his protectation, mas malaya akong makakilos nang walang inaalalang mapapahamak.

“Wala rin palang silbi ang ginawa ko noon, kung ganun.”
Walang buhay akong natawa. Sinandal ko ang katawan ko sa sofa at nilibot ang paningin sa paligid ng hideout namin. Wala paring nangyari kahit wala na kami sa grupo. Nandito parin kami. Magulo pa rin ang mundo at kabuntot parin ang peligro.

“Russ was right all along. We are alredy part of their ground, and even if we wanted to break free, we can never get away from it,” Jad stated as a matter of fact.

Napatango ako at pinagsalikop ang mga kamay bago pinatong ang baba ko roon.

“Might as well do something about it, yeah?”

“We have no choice but to oblige with our mission.”

Mahina akong sumang-ayon sa sinabing iyon ni Kyle. Tama sila. Wala kaming ibang pagpipilian kundi muling lumaban dahil siguradong walang mangyayari kung patuloy naming tatakasan ang lahat. Kailangan kong gumawa ng paraan para mahanap si Rania. Kailangan kong bumawi.

“Sa tingin ko, kailangan na nating humingi ng tulong sa Rosso, kay Russ. Hindi natin kakayanin ang mga ito ng mag-isa lang. Sigurado ako, hindi lang Sopranos ang naghihintay na mapabagsak tayong lahat. Malapit na ang itinakdang araw para sa susunod na deathnote battle. Habang papalapit ang araw na ito, mas lalo lang dadami ang gustong magpabagsak sa lahat ng nangungunang clan sa chart ng dark circle para mabawasan ang kalaban. Hindi pa tayo ganun kalakas para sumabak sa giyera,” sambit ni Drake na para bang iyon na lang ang tanging paraan para bumalik sa dating ayos ang lahat.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now