Chapter 18 (SPG)

573 13 2
                                    

WARNING!!!

(Please be advised that this story contains dark themes and dark graphic content, and that some chapters may be disturbing. You are warned to stop reading if this alarms you. However, this is just a pure fiction, and I can assure that this story will develop character arc for each individual. Nonetheless, thank you for giving it a try.)

HARU FUENTES (SOPRANOS CLAN)

"How many truck of drugs will be shipped on Wednesday?"

Sandali kong inihinto ang pagbaba ng mga kahon na naglalaman ng mga de-kalibreng baril at mga pasabog. Nilingon ko sila Midst na nakatingin sa malawak na bodega na puno ng mga truck ng droga at armas.

"Tatlo lahat boss. We have 10 associates for the drug dealing. Nauna nang magbayad si Mr.Takahashi para sa isang truck ng party drugs. He wired 750,000,000 as down payment in your account. Sa Wednesday natin makukuha ang kabuuang bayad kasama ang mga droga,” maingat na sagot ni Dale habang kausap si Midst Silvestre.

"How about guns and explosives?"

"Hindi pa sigurado, boss. Loyal ang mga buyers and bidders sa Rosso. Baka hindi tayo makasingit."

Napatiim-bagang si Midst bago tinapunan ng tingin ang mga baril na inaayos ko kanina.
Napalunok ako nang bumaling sakin ang tingin nito at masalubong ang walang emosyon nitong mga mata.

"Where's the report I asked you to do?"

"Nagawa ko na boss."

Tumango ito bago tiningnan ang mga tauhan niya na inaayos ang mga shipment na gagamitin sa isang araw. Puno ng mga droga at mga baril ang mga truck na galing sa ibang bansa ang bodega ng headquarters ng Sopranos. Lahat kami ay pawang mga robot na kinokontrol ni Midst para magawa lahat ng gusto niya. Kahit delikado at alam naming masama, kailangan naming sumugal. Buhay ng pamilya namin ang magiging kapalit kapag sumuway kami.

"Boss, parehas ang shipment natin sa Rosso at Zinyster. Akala ko ba bawal sa black society ang ganitong kalakalan?" lakas-loob kong tanong.

Hindi naman lingid sakin ang ginagawang panglalamang ni Midst sa dalawang grupo para lang magsimula ng away. Pero masyado pang maaga para sa pagdanak nanaman ng dugo. May mga inosenteng madadamay dahil sa paghahangad ni Midst ng sobrang yaman at kapangyarihan. Isa na rito ang kapatid ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita. Alam kong siya ang kumuha sa kapatid ko para mapasunod ako.

"Sa tingin mo ba ay may pakielam ako sa kalakalan at batas ng black society na sinasabi mo? Nobody rules a Silvestre but myself. At wala rin akong pakielam sa pipitsuging grupo na yan. Batas ko ang masusunod,” galit nitong singhal na ikinalihis ko ng tingin.

His eyes are menacing. Hindi ko nagawang salubungin ang galit nito dahil alam kong wala rin akong laban. Tauhan lang niya ko at kung tutuusin ay wala akong kwenta sa kanya. Kung hindi lang naman ako nakakatulong sa kanya para alamin lahat ng nangyayari sa mga kalaban niya, hindi niya ko bubuhayin. Hangga't alam niyang may silbi, hahayapaan pa niya.

"Fucking make sure that we will get lot of bidders on Wednesday. Kung hindi, alam niyo na ang mangyayari,” mapagbanta nitong sambit na mabilis kong ikinatango. Napangisi naman ito bago umalis sa harap namin.

Malalim akong napabuntong hininga at nanghihinang tiningnan si Dale. He smiled sadly before patting my shoulder.

"Kaya natin to Haru. Para kay Naria, tama? Kung kailangan nating maging kriminal para mahanap ang kapatid mo, gagawin natin. Kailangan nating tiisin to."

"P-paano kung hindi ko na makita si Naria? Natatakot ako Dale. Siya nalang ang nag-iisa kong dahilan para sikmurain lahat ng kasamaan na pinagagawa ni Midst. Pano kung masayang lahat ng paghihirap natin dahil wala na pala siya?"

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now