Chapter 44 (SPG)

421 9 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

Xchianna could hear the breath of relief she just let out after hearing Cross uttered the words she was just so afraid to tell. Hindi niya alam kung magagawang maniwala ng clan ng Rosso sa kanya dahil hindi niya maitatangging matagal siyang napasama sa grupo ni Cyd para magmanman sa mga ito.

Kahit hindi niya kagustuhan ang lahat ng mga nangyayaring gulo sa buhay niya dahil sa mundong pinasok niya, wala siyang pagpipilian. His brother was murdered by Cyd Mendez in college. Walang kalaban-laban ang kapatid niya sa mga kamay nito dahil hindi pala ito ordinaryong tao kagaya ng inakala niya. Her family never get the justice that her brother deserved because Cyd was a powerful man along with his clan. That is why she made a promise that she will kill him herself in any way possible.

Nag-ensayo siya kahit walang kasiguraduhan kung saan siya dadalhin ng mga pasang natatamo niya sa bawat araw na sinusubukan niyang maging magaling sa larangan ng pakikipaglaban. Walang sandali ang hindi lumilipas na hindi siya umiiyak sa sarili niyang sugat dahil pakiramdam niya ay walang saysay ang lahat, hanggang sa makilala niya si Cross Auswald. He said he was part of the dark circle and that he was one of the Jefes of Zinyster or the late clan of Imperio Oscuro. He helped her become stronger, he trained her to be skilled in weapons, in guns, and in combat battle. Cross taught her everything that she needed to know in order to become qualified in the initiation and win her first underground battle. Lahat iyon hindi naging madali. Pero para sa hustisyang hinahangad niya para sa kapatid niya, ininda niya lahat.

“Xchia was my spy in that group that Cyd Mendez built behind Midst Silvestre. Ako ang nag-utos sa kanya na sumama sa grupong iyon para makakuha ng impormasyon tungkol sa Sopranos. You can vouch on me about her. Hindi siya kalaban,” nadinig niya ang muling paliwanag na iyon ni Cross kay Russ tungkol sa kanya.

Alam ni Xchia na kung hindi niya sinabi ang lahat ng nalalaman niya ay baka pinatay na rin siya ni Russ. Hindi niya inakala na sa pagkakataong ganito pa niya makikita at mararanasan kung pano humagupit ang galit ng binata dahil sa pagsugod ng grupo niya sa clan ng Rosso at sa pagkapahamak ni Aryll sa kamay ng mga ito. She never imagined that the time would come when she would have to pray so hard for her life to be spared. Takot na takot siya kanina, pero hindi niya nagawang maipakita ang emosyon niya sa kabila ng bawat hagupit ng latigong tumama sa likuran niya. Each whipped was painful. Pero ang isip niya ay hindi sa sakit na nararamdaman niya kundi sa pag-aalala kung paano niya magagawang harapin si Aryll kung isa siya sa naging dahilan ng takot nito. That was more painful that all her bruises and wounds, and scarier than Russ and his wrath.

“So you knew all along that Aryll was in danger and you didn’t even bother telling me that?”

Nagulat ang lahat ng kwelyuhan ni Russ si Cross. His red eyes are menacing, and his angry veins are protruding on his neck and to the back of his hands.

Walang pagsidlan ang pinaghalong galit at inis na meron ang sistema niya dahil hindi niya gustong napaglalaruan siya. Russ knows that there is someone controlling all the information that he has about everything. Kahit nang magpunta siya sa Russia para hanapin ang mga myembro ng Sycrorax, parating may kulang sa lahat ng impormasyong nakakalap niya kapag patungkol sa clan ng Ignavus ang hinahanap niya.

Hindi niya maunawaan kung bakit lahat ay parang nasasala na bago pa man niya mabasa. It wasn’t as detailed as before, even the information from Hidden Transcend wasn’t reliable enough to get a better grasp of who were the members of that clan. Kaya nga sigurado siya na hindi basta-basta ang grupong iyon at malaki rin ang posibilidad na mas makapangyarihan ang sakop nila kesa sa kanya. Hindi siya mahihirapan ng ganito at magmumukhang tanga kung madali lang sa kanyang sirain ang powerbase ng mga ito.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now