Chapter 23

241 9 0
                                    


THIRD PERSON’S POV

No freaking tranquility had ever run in Cahleb’s system that very moment when he keeps resuscitating Hiro. Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakanakakabang pangyayari sa buhay niya habang makailang ulit pina-pump ang dibdib ng kaibigan na hanggang ngayon ay wala paring malay-tao.

Tangina! Alam niyang masamang damo ang tangnang Wagner na to at kahit ilang bala pa ang tumama sa balat-kalabaw nitong katawan ay hindi ito basta-basta mamamatay pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nawawalan ng pag-asa. He doesn’t have any idea kung ang tumutulo bang tubig mula sa kanya ay tubig mula sa dagat o luha na niya.

Ang alam lang niya ay ang kaba at takot na nananaig sa sistema niya dahil hindi parin nagmumulat si Hiro. He was fucking shot two times and in order for them to get away from the burning cruise is to jump off and sunk on the water. Sobrang layo ng pampang kaya hindi na siya magtataka kung hindi kinaya ng katawan nito ang pagod at pagkaubos ng dugo pero tangina nga kasi. Bakit kailangang siya ang malagay sa sitwasyon na parang pinapanood niya ang kamatayan ng kaibigan niya? Pucha naiiyak na siya!

“Fuck you, Wagner. Gumising ka nang depungal ka!! Papatayin ka ni Boss kapag hindi ka niya naabutang humihinga. Gising na puta!!”

Paulit-ulit niyang pinapump ang dibdib nito at sa sobrang inis niya ay hampas na ang ginagawa niya. Kung alam lang niya na tatanga-tanga ang gagong to sa ganitong misyon hindi na sana talaga sila sumuway sa utos ni Russ.

Sinasabi na nga ba at patibong lamang ang transaksyon na yun para lipulin lahat ng kaalyansa ng Rosso’s clan. Ang hindi nila alam ay batid ng mga to ang back-up plan nila na hindi niya mawari kung papaano nakalabas. Everything inside the cruise turned chaos.
Naisahan sila ng kalaban at ang ipinagtataka niya na sa isang iglap ay nasira ang lahat. Those motherfuckers who’s behind all of these is not a dunderhead at all. Sigurado siyang sila at ang mga nalagas na ang clan ang pinagtatawanan ng kung sino mang sumira sa powerbase ng clan sa bansa. This is getting tougher and tougher. Hindi na nila hawak ang sitwasyon at mas dumarami na rin ang kalaban nila.

“Puta gumising kana Hiro. Hindi mo pa oras.”

Hinampas niya ang dibdib nito at doon lamang siya nakahinga nang maayos nang naghihingalong napabangon ang lalaki at sunud-sunod na dinalahik ng ubo. Ang tangi lang niyang nagawa ay alalayan ang kaibigan na mukhang matindi ang ginawang pakikipaglaban kay Satanas para hindi muna mamamatay. Hirap na hirap si Hiro na muling nahiga sa buhanginan pagkaraan ng ilang minuto na pag-ubo sa dami ng nainom na tubig-alat.

“Akala ko mamamatay ka ng hayop ka. Pinag-alala mo kong kupal ka.”

“A-akala ko rin,” hinihingal pang tugon nito at itinaas ang kamay para takpan ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Hindi alam ni Cahleb kung saang parte sila ng isla napadpad pero alam niyang ligtas na sila. Ang problema nga lang ay hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag kay Russ ang mga nangyari dahil miski siya ay hindi rin malaman kung paano nakalusot ang kalaban. Sigurado siyang maingat sila at alerto kaya alam niyang hindi nanggaling sa labas ang kalaban. May mali sa transaksiyon. May mali sa lahat.

“Anong naaalala mo bago nagkaroon ng komusyon?”  Napalingon si Hiro kay Cahleb na ngayon ay sapo-sapo ang tagiliran na napuruhan sa kanya. Hindi niya mabasa ang hitsura nito pero walang bakas doon ang sakit buhat sa mga sugat.

“Nagpalit tayo ng pwesto diba? Natatandaan ko, bumalik ako sa atrium. There’s two transparent enclosures, on the right one, nude women were forced to danced and the other one, I’m sure as fuck that I saw Rania there.”

“Rania? Hindi ba’t binihag siya ng Sopranos?”

“I’m aware of the idea. Pero hindi ko maintindihan ang lahat, Cahl. Ang gulo.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now