Chapter 32

353 10 0
                                    


ARYLL CLARKSON

MAHIGPIT ang yakap na sinalubong ko kay Kuya Ash nang mabungaran ko siya sa salas pagbaba ko ng hagdan. I could already feel my tears streaming down my eyes when I feel the security and love when we embrace each other. Parang ayoko nang kumalas sa pagkakayakap kay Kuya dahil sobrang miss na miss ko na siya.

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko na makita siyang okay at maayos ang lagay hindi katulad noong huli na pinagtulungan siyang bugbugin ng mga tauhan ni Russ. I’m happy to know that he’s doing good. Pero may puwang pa rin sakin na gustong malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari, at para narin mabura ang isang parte sakin na sinisisi siya sa mga nangyaring ito sakin.

“Princess, I’m so glad you are safe, and you finally came back.”

He retreats from his embrace and check my physique before exhaling a fine breath of relief. Nginitian ako nito.

“How have you been, huh? Sinaktan ka ba ni Russ? Did he do something bad to you? Tell me, Aryll. Anong ginawa sayo ni Russ?”

“I’m fine Kuya. Hindi niya ako sinaktan kagaya ng iniisip mo. Wala siyang ginawa sakin.” Napayuko ako at nag-iwas ng tingin para hindi masalubong ang mga mata niyang puno ng pagtatakha sa mga naging sagot ko. Bumuntong-hininga ako at tipid na napangiti sa sarili. “He’s actually securing my welfare, Kuya. Hindi naman pala siya ganun kasama. Mabait siya sakin at lagi niyang iniisip ang kapakanan ko.”

“Aryll…” Bumitaw ito sa pagkakahawak sakin na ikinabaling ko uli sa kanya.  His face was suddenly blanched, but his eyes are asking.

“Bakit Kuya?”

He averted my gaze and seat on the couch almost faltering. Sumunod ako sa kanya at naupo sa katabing upuan habang nakatitig sa bawat kilos niya. He doesn’t seem so fine to me.

“I thought he wanted revenge,” he seems to be talking to himself than to me. Hinayaan ko muna siyang kumalma at hindi inabala sa kung anumang bagay ang gumugulo sa isipan niya.

Ilang minuto ang lumipas bago siya muling bumuga ng hangin na parang nabunutan ng tinik at bumaling sakin. He has this apologetic smile on his face again as he gathered my hand and caress it.

“Galit ka ba kay Kuya, princess? Alam ko na naguguluhan ka tungkol sa mga nangyayari, maiintindihan naman kita kung sisihin mo ako dahil hindi ko itatanggi na kasalanan ko kung bakit ka napunta sa sitwasyon na ito. Kasalanan ko kung bakit ka napunta kay Russ at kasalanan ko rin kung bakit ka napapahamak. Dahil sakin kaya nagkagulo lahat. I am to blame with all of this shits, Aryll. It was all my fault. It was all my doing. At siguro nga tama ka rin. Hindi ganun kasama si Russ dahil sa totoo lang ay kasalanan ko kung bakit siya naging demonyo sa paningin mo noon. Wala siyang kasalanan. It’s all me. Kasalanan ko lahat.”

“H-hindi naman ako galit sayo, Kuya. Siguro sinisisi kita noon dahil alam kong may kasalanan ka pero hindi mo magawang sabihin sakin kahit ako ang involve. Nagagalit ako noon dahil hindi na naging normal ang buhay ko at pakiramdam ko ay lagi nalang may banta sa paligid ko. Pero noong panahon na nasa puder ako ni Russ, noong inakala ko na isa siyang demonyo dahil sa ginawa niya sayo at sa pag-aakalang sasaktan niya ako, noong nakilala ko siya kahit papaano at makita ang kaunting kabaitan sa kanya, roon ko napagtanto na kailangan ko munang malaman ang lahat bago ako magtanim ng sama ng loob. I realized that I needed to hear you out first before I stumble into continue getting mad at you. Walang sinabi sakin si Russ tungkol sa pinag-ugatan ng away niyo at kung bakit ako nadamay. Hindi ko alam kung anong plano niya, pero hindi niya ako sinaktan. That maybe is the reason why I am not any longer mad at him despite what he did to me before. Hindi ako galit kasi alam kong may dahilan, Kuya. I just needed to know it so I could have made peace with myself now, and so I could understand you both. Just tell me everything, please. May karapatan naman siguro ako na malaman iyon, diba?”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now