Chapter 1

863 31 3
                                    

ARYLL CLARKSON


NAKATAAS ang nagmamaganda kong kilay at kunot ang noong pinanood ko sila mommy at daddy na
pinapagalitan si kuya Ashkiell na ngayon lamang umuwi pagkatapos ng mahigit dalawang linggo. Dahil sa liwanag ng buong mansiyon, nahalata ko pa ang mga pasa niya na alam kong babago lang din gumaling.

Ayan tuloy nasabon agad nila mommy. Nakakabahala naman kasi ang behavior ni Kuya. Sigurado ako na hindi niya nakukuha ng mga pasa niyang iyon mula sa mga pasyente niya kasi imposible naman na bubugbugin nila ang doctor nila diba?

“I’m asking you what happened, Louise. Saan mo nanaman ba nakuha ang mga pasa na iyan at masyado naman na atang malala? May problema kaba sa ospital?” malumanay ang boses na tanong ni mommy kay kuya na para namang walang narinig. Nanatili ang pagkakalugmok ng ulo nito sa sofa habang nakalukipkip ang mga braso at pikit ang mga mata. Bakas ang pagod sa mga mukha niya kaya sigurado nanaman ang kagandahan ko na hindi talaga dahil sa ospital nanggagaling ang problema nito.

"ASKIELL LOUISE!!"

Napaigtad ako sa sigaw na iyon ni Daddy. Nalihis tuloy ang pagkakahalumbaba ko sa palad na nakatuon sa siko dahil nagulat ako. Si kuya naman ay nagmulat na ng mata at bored na tumingin sa kanila. Galit na sila kapag ganyan kaya dapat matakot na siya. Pero imbis na magpaliwanag siya at sagutin ang mga tanong nila mommy, nakipagsukatan pa ng tingin si Kuya at parang wala lang sa kanya na may kaharap syang leon at tigre. Idol ko talaga si Kuya sa mga ganyan. Imbis na siya yung matakot sya pa yung kinatatakutan. Pero bakit ako nung triny ko yung ganyang galawan ni kuya Ash muntik na akong masampal ni mommy? Hindi ko alam kung dahil sa ang sama ko makatingin nun o di kaya nagandahan lang talaga sakin si mommy diba. Ewan ko, tumakbo na kasi ako nun nang ambahan ako ni mommy ng tsinelas niya.

"Can we just talk about this tomorrow mom, dad? Pagod na ‘ko galing sa ospital at gusto ko nalang magpahinga. Please, spare me with your questions,” imbes ay pakiusap ni Kuya na ikinabuntong hininga naman nung dalawa.

Nagulo ko ang buhok ko dahil sigurado naman ako na hindi papayag sila daddy na paalisin si Kuya hanggat hindi nakukuha ang sagot na nais nilang marinig. Ako nga halos abutin ng umaga yung panenermon sakin hanggat hindi ako umaamin kung bakit ako nalate ng uwi. Eh samantalang napagsaraduhan lang naman ako ng pinto ng bahay at dahil makakalimutin ako, hindi ko naisip na nakatago nga pala sa ilalim ng paso yung susi. Halos ma-stress yung kagandahan ko noon dahil likas talagang imbestigador lalo na si mommy na akala mo ay hindi dumaan sa kabataan at tumatakas din naman.

"Alright then. Just make sure to discuss everything tomorrow, son. Nababahala na kami sa mga nangyayari sayo lalo na at hindi ka naman nagsasabi. We’re worried about you.”

“I’m good mom. This is nothing serious. Stop worrying, please?”

“Hindi mo maiaalis samin na mag-alala, anak. Kaya sana naman ay alagaan mo ng mabuti ang sarili mo lalo na at isa kang doktor. And you know I hate it when you hide something from us, right?"

Tumango lang si kuya kay daddy kaya napangisi nanaman ako. Sabi ko na ba at hindi talaga sila papayag. Napahalakhak ako sa isipan ko at hindi na ako makapaghintay na makita si Kuya na maparusahan gaya nalang ng pinagagawa nila sakin kapag nagkakaroon ako ng sobrang liit na kasalanan na ultimo pagpatay ng lamok ay kasalanan ko pa.

"Sleep now son, we will talk tomorrow. Just rest okay?"

Nagpantig ang tenga ko sa sinabing iyon ni mommy at nanlaki pa ng bongga ang mata ko. Napatayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig ng salas nang tumayo rin si Kuya para humalik kina mommy.

Syempre nagprotesta ako.

"H-hey, wait. What’s the meaning of this? I mean mommy ganun lang yun? Papatulugin niyo na agad si
Kuya ng parang walang nangyari? Na para bang hindi kayo naghintay ng ilang minuto diyan para marinig ang sagot ni Kuya na pa-suspense pa? Hindi niyo siya paparusahan like what you did to me the other night? Hindi niyo siya paglilinisin ng storage room? Ng basement? Oh di kaya pagpapakintabin ng tiles na sahig? Yung allowance ni Kuya hindi niyo babawasan? Atsaka hindi nyo sya igagrounded? MOMMY, DADDY GANUN LANG YUN?? PAPATULUGIN NIYO NA AGAD SYA?" sunod-sunod kong complain at pinadyak ko pa ang paa ko para may effect ang pagta-tantrums ko.  Sinamaan ako ni mommy ng tingin at piningot ang tenga ko na ikinaigtad ko at napangibit.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now