Chapter 34

196 11 0
                                    

NARIA FUENTES


I was rushing to wear my lab coat as I enter the Hospital. Wala namang emergency pero hindi lang kasi ako sanay na nalalate sa trabaho ko lalo pa at hindi ko naman hawak ang mga maaaring mangyari sa paligid, at bilang doktor, kailangang maging handa ako lagi. I check on the details of my patients and my time circles on pre-op assessment. Parang ang bilis lumipas ng oras habang pinagsisilbihan ko ang mga pasyente.

Napapangiti nalang ako kapag nagiging maganda ang balita na naihahatid ko sa mga pamilya nila pagkatapos ng mga pagsusuri. Ewan ko ba. Madalas akong tanungin ni Kuya Haru kung ano ba ang masaya sa pagiging doktor gayung hindi ko rin naman kayang alagaan ang sarili ko. I would always respond by saying that serving and assisting in the prolongation of people's lives is what keeps me alive.

Simula pagkabata, iyon na ang naging pangarap ko lalo na nang makita ko kung paano maghirap ang pamilya ko sa pagkawala ng mga mahal namin sa buhay, kung paano kami naghirap noon nang wala kaming magawa nang mamatay si mama sa harapan namin. That's why I made a promise to myself that I will do everything to help those people in need. I am dedicating my whole life to being a doctor. Masaya na ako rito na alam kong hindi lang taong may sakit ang natutulungan ko kundi ang buong pamilya niya.

Natapos ang oras ng duty ko para sa maghapon na hindi ko manlang namalayan. I was massaging my right shoulder with my left hand and slowly swirling it to ease the numbness. Parang ang gusto nalang mahiga sa kama at magpahinga pero masyado pang maaga. A lot of thing could happen in a span of a minute. Saka ko na iisipin ang tawag ng katawan ko.

"Doc. Fuentes."

I look behind my shoulder when I heard a familiar voice. Tumigil ako nang makita si Nurse Jara na tumatakbo papunta sakin kaya tuluyan na akong huminto.

She was panting when she reached my spot. Napahawak pa ito sa tuhod niya para ipahinga ang sarili bago muling nagsalita.

"May VIP patient tayo, Doctora. Pasensya na po sa abala pero sabi ni director ay ikaw na raw ang mag-asikaso dahil ayaw nilang kami lang ang mag-assist."

"VIP?" Kumunot ang noo ko. "Wala naman akong nabalitaan na magkakaroon tayo ng pasyente na ganyan."

She motioned me to follow her while I am still left confused. Sumunod din ako sa kanya nang muli siyang maglakad. Hindi naman nagkakalayo ang lugar ng operating at emergency room pero nagtaka ako nang dumiretso kami sa elevator para sumakay papunta sa VIP room lang ang din ang tinatahak namin.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now