Chapter 31 (SPG)

497 11 0
                                    

ARYLL CLARKSON

“HUWAAHHHHH!!!! BAKIT KAYO GANYAN, MOMMY?”, muli akong umatungal ng sigaw dahil hindi talaga ako makapaniwala na hindi nila sineseryoso ang sinabi ko. At para lang mas feel ko ang pag ngawa ay lumapagi ako sa sahig at doon nagpapadyak. Hindi ko inalintana kung magabukan man ang uniporme kong suot dahil kahit ano pang mangyaring dungis ng damit ko ay maganda pa rin naman ako at hindi iyon magbabago. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit parang walang pinagbago ang pakikitungo sakin ng pamilya ko na akala mo ay hindi ako nawala ng mahigit isang buwan.

“Bumangon ka jan Aryll, makakalbo kita. Imbes na kung ano ano ang pinaggagagawa mo ay pumasok kana sa school at tigilan mo ‘yang ilusyon mo.”

“But this is not a phantasm, Mommy! Bakit hindi mo ako paniwalaan? I was gone for almost a month, and that was because I was kidnapped. KIDNAP Mommy.” I could even spell out the word para lang ipaintindi iyon sa kanya, “Hindi ba iyon big deal?”, naghehesterikal ko pang tanong pero walang kwenta lang akong tiningnan ng nanay kong nagawa pang humigop ng kape.

Kung tingnan ako nito ay para ba akong napugutan ng ulo dahil sa mga sinasabi ko. I was just trying to be honest. Noong makabalik ako kahapon ay hindi naman kami nabigyan ng pagkakataon na magkikita-kita, miski si Kuya Ash, dahil wala sila. Ngayong umaga lang sila dumating mula sa kumpanya at ngayong nag-te-testament ako ay nagawa pa akong tawanan nitong magaling kong ina. Parang hindi kamag-anak!

“Aryll, hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang ng pagpapalaki sayo at naging ganyan ka. Nakakapanghina kang bata ka.” Napailing-iling ito at tumayo sa kinauupuan bago nilapitan si Daddy na kakababa lamang ng hagdan. Itinuro ako nito.

“Kausapan mo nga iyang ampon na batang iyan, Arthur. Hindi ko iyan anak,” nanghihinayang na turan ni Mommy na ikinasinghap ko sa pagtanggi niya sakin. She even called me adopted. Wow! I feel betrayed.

“Anak, ano nanamang kalokohan pinag sasabi mo sa Mommy mo?”

“Daddy!!!!” Nagsusumbong akong tumingin dito, “Bakit ganun si Mommy sakin? Hindi niya ako pinapaniwalaan.”

“Ano ba kasing sinabi mo roon, at mukhang na-hi-highblood nanaman?”
Umupo ito sa inuupuan ni Mommy kanina at puno ng pagtatakha ang mukha akong tiningnan.

“Daddy, maniniwala kaba sakin kung sasabihin kong nakidnap ako sa loob ng halos isang buwan na wala ako?”

“Talaga anak? Bakit bumalik ka pa?”

“Daddy naman!!!!”

Naghehesterikal akong napatayo at naguguluhan sa mga inaasta nila. Isang buwan akong nawala pero bakit hindi iyon big deal sa kanila? Hindi man lang ba sila nag-alala sakin?

“Dad, I’m serious. Why can’t you just believe me? Hello! Maganda lang ako pero hindi ako sinungaling.”

“Aryll. Naiintndihan kita, okay? Ganyan siguro ang nangyayari talaga kapag ganun ang trip niyo ng kasintahan mo. Ewan ko nga ba sa inyo at kung kelan pa kayo tumanda ay saka pa kayo naglaro.”
Napailing si Daddy kaya ako naman ang nagtaka sa mga sinasabi niya. I don’t understand him and his words.

“What kasintahan and role play you’re talking about, dad? Wala naman ako nun.”

Umismid ito.  “You know what, Aryll? You don’t have to pretend that you don’t know a thing, okay? I mean, you are already in a right age to get in a relationship, and I will not interfere. Hindi mo na kailangan magsinungaling.”

“P-pero Daddy, wala nga po ako nun.”

“Eh bakit nawala ka ng isang buwan?”

“It’s because I was kidnap nga. Nakidnap ako!”
I keep on giving him that reason but I only sounded like convincing myself. Tinawanan ako ni Daddy bago kinuha ang cellphone niya at nagpipindot doon.

Chained Under His Possession (Ongoing)Onde histórias criam vida. Descubra agora