Chapter 35

184 9 0
                                    

AKIRA LISH DAWSON

“WHAT the hell was that all about, Midst? You turned down the proposal of Ignavus to be part of them? Alam mo naman kung gaano kahalaga na magkaroon tayo ng alyansa sa kanila diba? You only have to present yourself, and claim your title. What’s so difficult about going to Ontario? It will only take you a few weeks to deal with them and get their trust. Bakit hindi mo pa ginawa?”

Napatigil ako sa balak sanang paglabas ng banyo nang marinig ko ang sigaw ni Cyd Mendez na siyang kanang kamay ni Midst sa clan niya. I could hear how fuming mad he was as he vented his anger towards Midst.

Hindi ako sigurado sa kung anumang pinag-uusapan nila pero maaaring isa nanaman iyon sa mga plano nilang bumuo nang malaking alyansa para matupad ang balak nilang pagsakop sa dark circle. Hindi pa ganoong malinaw sakin ang lahat ng tungkol sa klase ng pamumuhay na meron si Midst, pero ang sigurado lang ako ay umiikot sa mundo ng madugong patayan at iba’t-ibang klase ng illegal na transakyon at kriminalidad ang meron doon.

Minsan na niyang nabanggit sakin na ang pagpatay ang pangunahin nilang gawain para mabuhay. If they wanted to survive or take everything under their control, they have to be stronger and win the title for themselves. Kailangan nila ng alyansa na tutulong sa kanila para matalo ang dapat matalo sa dark circle kaya siguro ganito na lamang ang galit na nararamdaman ni Cyd dahil sa ginawa ni Midst.

“Midst, isang tsansa lang ang meron tayo para patunayan na kaya nating kalabanin ang Rosso, at susuportahan na nila tayo. Kailangan natin ang clan ng Ignavus! Bakit ka tumanggi?”

“There is so much more important thing that I have to do than that, Cyd,” kalmado ang boses na sambit ni Midst.

I tried to peep on the door and see what they’re doing. Nakapameywang si Cyd habang nakatingin kay Midst na nilalagay sa isang bag ang ilan sa mga damit namin. We are actually planning to go to the hospital for check-up. He said he wanted to know our baby’s gender, and he’s also taking me to his rest house. Sa dami ng mga mansion na pag-aari niya, hindi ko inakala na may sarili pa talaga siyang bahay.

“Mas importante sa plano natin? Midst baka nakakalimutan mo, limang buwan nalang at magsisimula na ang death note battle. Wala akong nakikitang aksiyon ngayon sa Rosso at sa clan ng Zinyster kaya sigurado ako na may pinaplano silang mas matindi pa. Bukod sa kanila, kakampi rin nila ang Sycorax kaya tanging Ignavus lang ang aasahan nating tutulong sa clan para matalo ang tatlong clan na iyon. Huwag mong sabihin sakin na nakalimutan mo na kung ano ang pinaglalaban natin? Kung para saan ang lahat ng ito?”

“No.”

“Eh, iyon naman pala. Why aren’t you doing anything? Simula nang matapos ang ilan sa misyon natin noong transaksiyon, naging ganyan kana. You never plot anything against our enemies, and you seem unbothered. Ano bang problema mo?”

Tinigil ni Midst ang ginagawa niya at pinukol nang matalim na tingin si Cyd. Nakita ko pa ang pag-atras nito dahil sa nakakatakot na ekspresyon na pinapakita ng kaharap.

“Hindi ko pwedeng iwan ang mag-ina ko.”

Natigilan ako nang marinig ang sinabi niyang iyon at hindi makapaniwala sa sinambit niya. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang maramdaman ang marahang paggalaw ng baby ko dahil marahil naramdaman din niya ang kiliting bumalot sa puso ko nang dahil sa sinabi ni Midst.

Mag-ina…

I didn’t imagine he would say such thing in front of him. It seems like he’s making a claim of us.  Alam kong malaki pa rin ang galit sa pamilya ko ni Cyd, hindi rin nakakalampas sa paningin ko ang mga masasamang tingin na ipinupukol niya sakin kapag nagkakasalubong kami. Kung siya nga lang masusunod, sigurado ako na baka dinispatsa na rin niya ko.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now