Chapter 25

273 10 0
                                    


AKIRA LISH DAWSON

I was lounging on the Winchester Leatherette Sofa that does not amuse me anymore despite its grandeur. The big screen of Titan Zeus Tv while playing a movie doesn't bother me as well. Lahat ng mga senaryo ay hindi manlang pumapasok sa isip ko dahil wala roon ang atensiyon ko. I heard a commotion outside and the sounds of wheels arriving.

Wala sa sariling napatayo ako sa kinauupuan at inabangan ang pagbukas ng double door ng mansiyon ng mga Silvestre. Kasunod nito ang pagpasok ng mga armadong lalaki na may buhat-buhat na mga kargamento na nasisiguro kong mga armas ang laman, at ang ilan pa ay may hila-hilang mga babaeng pilit nagpupumiglas sa mga hawak ng mga tauhan nila.

I hold onto my baby bump and move aside when Luan Silvestre sets foot inside the house. Duguan ang puting damit nito habang nakasakbit ang holster ng baril sa kabilang braso na walang tama. His face is also contorted due to pain and bruises. Napatigil ito sa paghakbang nang makita ako at agad na napalitan ng walang emosyon ang mukha niya.

He looks behind his shoulder and with authority, he shouted, "Dalhin niyo ang mga kargamento sa fifth floor. At ang mga bihag, ikulong niyo lahat sa basement."

His voice thundered around the place earning a loud howl from their captives. Nagmamakaawa ang mga ito na pakawalan sila at ang ilan ay sinusubukan pang manlaban. Napapikit nalang ako nang walang babalang sinuntok ng isang lalaki ang babaeng nagpupumilit makawala. The woman grunted in pain and helplessly kneel on the ground-catching her own breath.

Mas lalo lang lumakas ang iyakan sa mga babaeng nagsumiksik sa isa't-isa nang matutukan ito ng baril at pinaputukan. Muntik na kong mapasigaw kung hindi ko lang piniling tumalikod agad pagkakita ko sa balak niyang gawin. It was all too much that even if how many times I witnessed this kind of killings, I can never get used to it. Limang buwan na kong nakakulong at nagpalipat-lipat sa mansiyon ng mga Silvestre kaya alam kong ang bagay na ito ay simple pa lang sa kanila. They are all merciless after all.

"Why were you out of your room, Akira?"

Luan's voice echoes suspiciousness and madness. Wala akong nagawa kundi ang humarap sa kanya makalipas ang ilang minuto nang nasaksihang patayan sa harap ko. The maids who are draining the blood off the floor welcomed me.

"I was just bored in my room," sagot ko sa tanong niya bago inupo ang sarili uli sa couch.

His eyes settle on the screen I was watching. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya at mula sa gilid ng mga mata ko, kita ko kung paano niya sapuin ang brasong patuloy pa rin sa pagdurugo bago hirap na inalis ang holster na nakakabit sa katawan. He settled himself on the bean bag and rested himself there. Wala pa ring patid ang pagtulo ng dugo sa sahig mula sa sugat niya. That must have hurt like hell.

Napabuntong hininga ako bago napagdesisyunang umalis sa kinauupuan para magtungo sa kusina at kunin ang medicine kit. Nagpatulong din ako sa mga maids na magdala ng palanggana at maligamgam na tubig para malinis ang sugat ni Luan na wala yatang pakielam kahit maubusan ng dugo. I sighed in annoyance thinking why the hell should I bother.

Isa si Luan sa dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. I shouldn't have trusted him from the very first start. Kung alam ko lang sana na hindi siya mapagkakatiwalaang tao- napabuga nalang ako ng hangin at binitbit ang medicines kit papunta sa kanya.

Nakapikit ang mga mata ni Luan pagkabalik ko ng salas. I can't tell if he's awake or not. Lumuhod ako sa tabi nito at kinuha ang towel na nakababad sa tubig na inilapag ng mga maids.

His eyes automatically open and he silently whimper when I wipe the blood off his wound. Mariin akong napapikit ng makita ang pag-agos ng dugo na ikinakatal ng kamay ko. Flushes of memories of my mom soaking in blood blurred my vision and hitched my breathing.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now