Chapter 21

280 12 0
                                    


THIRD PERSON’S POV

Sending File…

97%

98%

99%

100% Complete…

Xenon silently commend himself after successfully transferring the files from hidden transcends, and finally stole the backup files of El Greco’s clan. Halos isang oras din siyang nakipaglaban sa mga balakid na firewall para makuha ang mga impormasyong kinakailangan niya. It was all tough, he could state. Their cyber security was just fucking formidable and not easy to tapped. Kung hindi lang siya genius sa panghahack, siguradong nahuli na siya at mababalewala ang kanina pa niyang pinaghihirapan.

Nangangalay na isinandal niya ang ulo sa swivel chair bago iyon pinaikot. Napangisi nalang siya nang makita ang dalawang operator ng control room na walang mga malay na nakahiga sa semento sa loob ng isang silid. Hindi niya maiwasang hindi mapaismid. Itong dalawang to, hinampas niya lang sa batok, tulog na agad. Wala manlang effort, tsk.

“Ricadante, I need place to hide.”

Mabilis siyang umikot sa direksyon ng mga monitor at mabilis ang mga kamay na hinanap ang lokasyon ni Cahleb. He’s already at the deck 10 nosing around the area. May bantay na nakapaligid sa entrance ng auction hall kaya hindi makapasok ang gago.

“Umikot ka sa quarter deck.”

“Tangina ang layo nun.”

“Gago ka ba? Sa likod ng auction hall nandoon ang stateroom. Quarter deck is the nearest passage alongside the stateroom. Sinabi ko na sayong hindi ito tulad ng mga normal na cruise ship. You didn’t see the deck plan, fucker?” rinig niya ang pag-ismid nito.

“Wala na bang mas malapit?”

Asar niyang inilipat ang footage at humagilap ng ibang ruta. Sandali pa siyang natigilan nang makita ang footage sa labas ng silid na kinaroroonan niya. May paparating pa.

“There’s a galley along the way if you change your position and turn right.  Sa solarium kana lalabas para makaikot sa gallery hall. May passage doon paakyat ng stateroom,” aniya sa binata bago mabilis na binalik sa monitor sa labas ang paningin.

There’s a maître d’ strutting towards the room he’s in. Sa pagkakaalam niya ay ang trabaho ng mga to ay sa dining room services and other operations. What is she planning to do here in the control room? He tilted his head on the both side before getting his gun beside the table. Mabilis siyang tumalima at naglakad papunta sa likod ng pinto at nagtago kasabay ng pagbukas nito. The woman walks silently towards the monitors and later manipulate the footages like seeking for something. Tumigil ito sa footage ng bridge deck kung saan nandoon pa rin si Kayde. Muntik pa siyang mapamura nang makitang may nakatutok na baril dito. 

“Catana lucrează deja cu comanda.” Catana’s already working with the command.

The woman speaks in another language that he easily understands. Siguradong magkasabwat ang mga to at ang walanghiyang Delgier na yun ay hinayaan lamang ang babae na bihagin siya. Ang lakas pa ng loob na maniobrahin ang navigation equipments eh hindi naman pala marunong.

“Voi încerca să infecteze virusul în placa de bază fiecare clan principal.” I will try to infect virus in each clan’s main motherboard.

Sambit muli ng babae na ikinatagis ng bagang niya. Sa gagawin nito ay siguradong makocorrupt ang mga importanteng datas nila at hindi niya yun hahayaang mangyari. Kaya bago pa man magawa ng babae ang balak niya, mabilis siyang lumapit dito at tinutukan ito ng baril sa sentido na alam niyang ikinaestatwa nito.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now