Chapter 12

313 14 0
                                    


ARYLL CLARKSON

I'm still in the middle of my skepticism about the happenings earlier. Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung bakit niya nasabi ang mga bagay na yun gayong sabi niya hindi naman siya yung taong inaakala ko.

Naguguluhan ako!

Hindi ko alam kung sadya ba niya kong nililito para hindi ko siya paghinalaan pero bakit naman niya gagawin yun? Kung hindi siya ang lalaking yun, bakit niya ko kinausap at binantaang kukunin? At bakit niya ko hinalikan? Bakit pamilyar ang mga halik na yun para sakin kung magkaiba sila gaya nang sinabi niya?

At ang presensya niya . . . ang epekto niya sakin, b-bakit ganito?

Tumigil ako sa paglalakad at napahawak sa sintido ko. I shake my head in frustration. Even if I wanted to evade that thought to barge into my mind, I'm losing it. Parati niyang ginugulo ang sistema ko at hindi ko
kayang makaalis. I'm not sure what kind of power he possessed, but it always enthralled me. He made me his prison without even trying of confining me. He just simply invaded my mind and yet my whole being was affected.

Ang lalaking yun, ano ba talagang ganap niya sa buhay ko? Wala akong ideya kung maganda bang
isipin ang bagay na to. Pero sa ngayon palang natatakot na ko.

Lumabas nalang ako ng campus kahit hindi pa oras nang labasan. Wala ako sa wisyo mag-aral lalo na't marami ang gumugulo sa isipan ko. Hindi lang ako makakapagpokus.

I choose to use the back gate as my way out so neither of the students nor guards will notice me.  Buti nalang talaga at masyado pang maaga para maglabasan ang mga estudyante. Isa pa ay madalang lang buksan ang back gate dahil malayo ito at kailangan pang magpunta sa mini park na pinuntahan ko kanina bago maka diretso palabas. I roam my eyes around and see the parking. Wala akong dalang kotse kaya diridiretso ako sa gate na lumabas pero napatigil din ako bigla at nagtatakang tiningnan si Kuya nang maabutan ko syang nakasandal sa may kotse niya. Siguradong ako ang hinihintay niya pero bakit ang aga naman ata niya? At bakit dito talagang sa back gate rin siya naghihintay?

Napakunot ako ng noo dahil malayo ang tingin nya at hindi pa nga ata ako napansin nang lumapit ako. Naka focus lang siya sa cellphone niya at mabilis na nagtitipa roon.

“Kuya?”
Mabilis itong lumingon sa gawi ko at kahit nagtataka ay tila nakahinga siya nang maluwag. Agad niyang tinago ang phone sa coat niya at lumapit sakin. Nabigla pa ako nang yakapin ako nito.

“K-kuya? May problema po ba?”

Kumalas ito sa pagkakayapos sakin at sinipat ang kabuuan ko habang salubong nanaman ang kilay. Bakas pa ang pag-aalala sa kanyang mga mata at tila hindi ko na kailangan pang itanong ang dahilan ng bagay na iyon.

“How are you, princess? Are you okay?”

“O-oo naman. Kailan ba ako hindi naging okay? May problema ba? Bakit ang aga mo naman ata pumunta rito?”

Bumuntong-hininga ito bago pasadahan ng kamay ang magulong buhok. Pagkaraan ay idinantay niya ang isang kamay sa bewang at muli akong binalingan.

“I have an important matter to discuss to you.” Ang seryosong boses niya ang nakapagpalunok sakin. Kinutuban din ako kung saan pa patungo ang usapang ito.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now