Chapter 30

250 10 0
                                    


ARYLL CLARSKON


HINDI mapuknat ang malapad na ngiti sa labi ko habang inililibot ang tingin sa sobrang lawak na ground floor ng mansion ng manyak na alien na isang huwad na kidnapper. 

Sa tagal kong namalagi rito ay ngayon ko lang naitapak ang mga paa ko sa pinakang entrance hall ng mansion. Bigla tuloy akong nanliit habang namamangha sa mga buong disensyo at mga gamit sa paligid ko. Mayaman ako oo, pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng mansion na halos lahat ng gamit ay high-tech at hindi pangkaraniwan.

I look like a lost kid here tapping each objects I came in contact with as I wander inside the lounge. Hindi siya pangkaraniwang salas kaya feeling ko talaga ay nasa isa akong hotel. Nagtataka nga ako kung bakit ako hinayaan ng mga tauhan ni Russ na lumabas ng kwarto ko pababa rito. Hindi ko rin naman nakita si Russ nang magising ako kanina kaya hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na wala siya ngayon dahil kung nagkataon ay siguradong mag-aaway nanaman kami.  Ang oa pa naman ng alien na iyon na akala mo lagi kong tatakasan.

“You invented all these things?” namamangha kong tanong bago humarap sa isa sa mga tauhan ni Russ na Cahleb Vigier pala ang pangalan. 

Abala ito sa hologram computer na ini-s-slide nito ng ilang ulit at maya-maya lamang ay mabilis na magtatype roon ng kung ano. Halatang busy pero tumango lang ito bilang sagot sa tanong ko.  Nagtungo ako sa likod niya para panoorin ang ginagawa niya. Mabilis ang mga kamay niyang nagtitipa roon at hindi ko masundan ang bawat galaw nito lalo pa at puro code ang nakikita ko. Hindi naman ako bobo sa digits, pero nang makita ko kung paano siya mag decipher ng codes at mag assimilate ng encrypted files ay bigla akong nanliit. Sana all!

“What’s that?” hindi ko mapigilang hindi itanong dahil namamangha talaga ako sa sunud-sunod na paglabas ng mga tab na nagpatong-patong na hindi man lang siya nadistract.

“Just some important docs.”

Pinindot nito ang enter at lumabas ang loading box kung saan mabilis na nag download ang files hanggang sa lumabas din ang completed. Pansin ko ay parang nakahinga siya nang maluwag pagkatapos n’un na parang buhay at kamatayan ang pinaglabanan niya. Hindi parin ako mapirmi sa pagsilip sa hologram lalo pa nang pag pop up ang profiles ng ilang tauhan ni Russ na para bang nag vi-video call ang mga ito.

May pinindot pa si Cahleb sa earpiece na suot at marahas na bumuntong-hininga.

“I already gathered the basic information of Sycorax. Damn! Hindi ko alam na ganito pala katindi ang security at firewall ng grupong iyon.”

His voice sounded so relief. Rinig ko ang pagtawa ng isa sa mga lalaki and if my memory serves me right, his name is Red Alejandro.

“You should be thankful to me, Vigier. Kung hindi lang ako magaling, patay ka na!”

“Boasting again, are we?”

“I have my reason to be boastful, Ricadante.” And the man just sticks his tongue out to annoys the man who name’s Xenon Ricadante. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa inasal ng lalaki na kung hindi ko lang alam na parte ng mafia clan ng manyak na alien na iyon, ay iisipin kong normal lang na klase ng tao.

“Sycorax has seven bosses in total?”

“You get what you see, Hiro.” Si Cahleb ang sumagot habang may inaasikaso nanaman ito sa harapan ng screen ng hologram. It seems like he’s checking the parameter of the route outside the sanctum. Iyon ang alam kong tawag sa mansion na ito na base rin kanilang clan.

“I don’t see any threats, Luke.”

“Boss has worked with it, Cahleb. Huwag ka nang magtaka.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now