Chapter 41

152 8 0
                                    


ARYLL CLARKSON

My heart was beating so loud upon hearing loud explosion from my behind. Tagaktak na ang pawis ko gawa ng pagtakbo pero hindi ako pwedeng huminto sa pagkakataon na ito. Mahigpit ang hawak ko sa baril na ibinigay sa akin ni Kyle na kahit na alam kong hindi ko iyon magagamit dahil hindi ko kayang pumatay ay hindi ko parin magawang bitawan.

This is indeed a matter of life and death. At kahit ilang beses kong itanong sa sarili kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon, tanging si Russ lang ang naiisip ko. It’s not like I’m blaming him for dragging me into this mess. Sa totoo lang ay nagtatalo ang isip ko pero wala naman akong makapang galit para sa kanya dahil kung tutuusin ay may pamimilian naman ako para hindi mangyari ang lahat ng ito. Nagkataon lang talaga na mas ginusto kong masali sa gulo dahil hindi ko kaya ang kaisipang malalayo ako nang tuluyan kay Russ kapag iniwan ko ang magulong buhay na ito.

Nakarinig ako ng andar ng motorsiklo sa likuran ko. Kung wala lang sa peligro ang buhay ko, iisipin kong ako si Flash sa bilis kong tumakbo. Hindi ko inakala na makakatakbo ako ng ganito sa tanang buhay ko. The adrenaline rush is no joke.

Nasa gitna na ako ng mga taniman ng puno ng niyog. Maliwanag ang paligid at maluwag ang maaari kong pagtakbuhan pero walang maaaring pagtaguan. Napahinto ako at hingal na napahawak sa mga tuhod ko. I don’t know which direction I will go. Ang sabi sakin ni Kyle ay may naghihintay daw sakin pero wala naman akong makita. Napasapo ako sa noo ko at napabaling sa likod ko nang lumapit ang ugong ng motorsiklo na ikinatakot ko. Huli na bago ako muling makatakbo nang pumalibot sa kinaroroonan ko ang limang motorsiklo kasama yung babaeng Iguana na may ngisi sa labi nang makita ako. I tighten the grip on my gun but I have no strength to even lift it. Natatakot akong baka mas mabilis pa ang pagkalabit nila ng gatilyo sakin kesa ang pagtutok ko sa kanila.

“Do you wanna play a game?” Bumaba yung babaeng mukhang Iguana sa motor niya at lumapit sa direksiyon ko. Napaatras naman ako. Alam kong nakaguhit ang takot at pagkabahala sa mukha ko dahil hindi ko itatangging baka ito na ang katapusan ko.

“Hindi muna kita papatayin. Bibigyan kita ng pagkakataon na ipaglaban ang buhay mo kaya maglalaro muna tayo.” Inalis niya ang baril na nasa holster niya at itinapon iyon sa kung saan. Dinig ko ang tawanan ng mga pangit na kasamahan niya na para bang isang palabas ang masasaksihan nila. Napalunok ako. Ni hindi nga ako maalam humawak man lang ng baril, iniisip pa ba niyang kaya kong makipag laban sa kanya ng suntukan?

“Fight me, bitch! Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal,” hamon niya pa. Naglikot ang mga mata ko at sinubukang humanap ng makakatulong sakin pero puno lang naman ang nakikita ko. Para akong maiihi sa sobrang kaba; hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya, but I would rather take all the risk kesa naman mamatay ako ng hindi man lang lumalaban.

Binitawan ko ang baril na hawak ko. Napangisi lang ang babaeng ito nang makitang tinatanggap ko ang hamon niyang makipaglaro. Sa loob ko ay hindi mapirme ang tibok ng puso ko pero nandito na to. Mas maganda nang mamatay ng lumalaban.

“Yahhh!!”
Mabilis itong sumugod sa direksiyon ko at isang suntok agad ang pinakawalan. Dahil sa kabagalan ng kilos ko at hindi ko agad namalayan ang naging kilos niya, tumama ang kamao niya sa mukha ko. Ramdam ko ang sakit at halos pag-inog ng mundo ko sa sobrang lakas ng pagtama nun. Napasalampak pa ako sa lupa at para akong maiiyak dahil ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

“What bitch? Are you going to cry now? Walang makakapagligtas sayo ngayon kaya wag mong daanin sa iyak ang nararamdaman mo. If you don’t fight for your life, then I will just be going to kill you.”

Sinamaan ko ito ng tingin at marahang pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.

“Magpasalamat ka dahil hindi ako marunong makipag-away; dahil kung nagkataon, kanina pang basag ang mukha mo.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now