Chapter 5

508 21 3
                                    

ARYLL CLARKSON

Himdi ako magkandatuto sa pagtabon ng buhok ko sa leeg ko nang biglang humangin at liparin ang ang mga ito at mawala ang pagkakaayos ng tabon sa gilid ng aking leeg. Hindi ko pinansin ang na-wi-weird-o-hang pagtingin sakin ng mga estudyanteng nakikita ang ginagawa kong pagtabon ng dalawang kamay ko kaya mukha tuloy sakal-sakal ko ang leeg ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pamulahan ng mukha kapag naaalala ko kung gaano karami ang mga pulang markang nakita ko sa katawan ko kaninang umaga habang naliligo ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon dahil maging sa dibdib ko ay meron din kaya sigurado naman ako na hindi iyon gawa ng lamok.

Pumasok tuloy sa isipan ko ang panaginip ko kagabi kung saan may isang lalaki ang humahalik sa katawan ko at nagpaubaya lang ako. Sigurado ako na panaginip lang iyon pero hindi ako makapaniwala na may bakas ako ng mga kagat na naramdaman ko rin sa panaginip ko. Nataranta tuloy ako at sa pagmamadali ko ay nakalimutan kong takpan ang mga pulang ito sa leeg ko kaya ngayon ay hirap na hirap ako sa pagtatago. Baka kapag may nakakita ay kung anong isipin sakin at hindi ko rin naman alam ang idadahilan ko dahil maging ako ay hindi malaman kung saan ito nagmula.

Naupo ako sa bench malapit lang sa may oval para ayusin ang sarili ko. Kinalkal ko ang gamit ko para kuhanin ang compact mirror na agad ko rin namang nakita. Sinipat ko ang leeg ko at napanguso nang makita ang isa pang marka na hindi naabot takpan ng aking buhok. Buti nga at isa lang itong kita, sa gilid at likod ng tenga ko pababa ay kita ko pa ang ilan ding pulang marka na natakluban naman ng buhok ko na ipinagpasalamat ko.

Ngayon, paano ako makakapasok sa classroom ko kung hindi ko magawan ng paraan itong markang ito na mawala? Wala naman akong make-up dahil masyado na akong maganda para gumamit pa no’n. Baka mapagkamalan na akong dyosa kapag kinabog ko na si Ms. Universe sa sobrang ganda ko pag nalagay pa ako ng make-up.

Malalim akong napabuntong-hininga at pinakatitigan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko inakalang nakakapagod din palang maging maganda araw-araw.

“Aryll.”

Napaangat ako ng tingin nang may humarang sa sinag ng araw na tumatama sa lugar na kinauupuan ko. Mas lalo lang humaba ang nguso ko nang makita nanaman ang tamawong huwad na wala nanamang emosyon ang mukha at sinisipat ang kabuuan ko. Nakakunot ang noo nito at nakapamulsa ang isang kamay at walang kagana-ganang humigab na akala mo ay walang interesante sa tinitingnan niya. Inirapan ko siya na ikinaangat ng sulok ng labi niya. Bumaba pa ang tingin nito bago natigilan at tuluyan nang naging visible ang ginawa nitong pag ngisi nang masilayan ang leeg ko.

“It looks good on you.”

“Huh?”

Hindi na ito sumagot at tuluyan nang binakasan ng pagkamangha ang kanyang mukha na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit ba siya natutuwa. Ngayon ko lang nakita kung paano sumilay ang maayos na ekspresyon sa mukha niya hindi tulad kanina na walang ka-emo-emosyon man lang. His emotion is too fixed that I’m already getting used to his deadpan look but now. Kahit pilitin niya ang sarili na huwag ngumiti ay bumabakas ang tuwa sa mukha niya na lalo lang niyang ikinagwapo.

Napaiwas ako ng tingin at napatikhim.

“What is it this time that you need and you showed up again?”

“You don’t seem to like my presence, huh?” his voice was still playful but arrogant this time. Muli akong bumaling sa kanya at tinikwas ang kilay ko. Nagtaka pa talaga siya na hindi na ako natutuwa sa presensya niya. Eh kapag nanjan siya sa paligid, lagi akong nakakatanggap ng message na pinagbabantaan ako. Ni hindi ko nga alam kung anong mali ang nagagawa ko.

“What do you really want?” walang pasensya kong tanong sa kanya. Nabibwiset ako kapag kausap siya dahil nauubusan ako ng English kapag kasama ko siya. Hindi ba niya alam na wala akong baon n’un araw-araw maliban nalang kung kagandahan ang usapan dahil kung iyon pa ay hindi ko na kailangan pang paghandaan. Nakakainis siya! Pupunta-punta ng Pilipinas, hindi naman marunong manalog o umintindi man lang. Talagang ako pa na maganda lang ang ang ambag ang kinausap niya, huh? My God. I can’t even!

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now