Chapter 10

434 16 21
                                    


ARYLL CLARKSON

"Take care of yourselves while we're away okay?"

Nakailang paulit nang paalala sila mommy tungkol sa pag-alis nila kaya kanina pa rin akong tango nang tango. Gabi na kaya halos dalawin na rin ako ng antok. Kung bakit ba naman ngayong oras pa nila napiling ipa-schedule ang flight nila, hindi tuloy namin sila maihahatid.

Nabuga ako ng hangin at nginitian ulit siya.

"Kami na pong bahala mom. Basta po mag- ingat kayo roon para makabalik agad kayo."

"I hope so, princess. I hope so."

"Are you guys sure hindi na kayo magpapahatid?" tanong ni Kuya na nililipat yung mga bagahe sa compartment. Dad simply patted Kuya's shoulder and nodded.

"It's okay Louise. Masyado nang gabi baka ma-hassle lang kayo. Mag-ingat nalang kayo rito, okay? Ikaw nang bahala Kay Aryll."

"Yes dad."

I give them a hug and a warm kiss on the cheeks before bidding my farewell.

"Mag-ingat po kayo run."

"We will be fine, princess. Wag niyo na kaming alalahanin dahil magiging maayos naman ang lagay namin doon."

"Mamimiss ko po kayo."

" Same thing princess." Dad kissed my forehead again before glancing at Kuya.

"Stay away from trouble Ashkiell Louise. I don't want to see any wounds on your face once we get back. Am I understood?"

"Yes dad."

"Ikaw nang bahala sa kapatid mo. Aalis na kami."

"Take care mom, dad."

We hug each other again before they get inside the car and drive away.

Napabuntong hininga ako at tumingin kay kuya na nasa malayo lang ang tingin.

"Would they be all right?" He heaves a sigh before drifting his gaze in my direction. Pinatong niya pa ang kamay sa ulo ko at tahimik na ginulo ang buhok ko.

"They will be, don't worry. Magpahinga ka na rin, okay? You still have class tomorrow."

"Pano ka?"

"I'm just going to finish something and sleep as well. Mauna kana."
Tumango nalang ako at nauna nang pumasok sa loob. Hihikab-hikab pa akong umakyat sa hagdan nang maramdaman ko ang pagod. Ang dami kong tinapos na research papers kanina kaya pagod na rin ang katawan ko. I want to rest badly. I really need my beauty rest.

Baka kasi mamaya sa sobrang pagdidivert ko ng atensyon ko sa ibang bagay, mapektuhan ang kagandahan ko at iyon ang isang bagay na hinding-hindi ko hahayaang mangyari.

NO! I should not let this happening in my life become my distress. Ang maganda kong mukha ang
madedehado. Eto na nga lang ang ambag ko sa lipunan, hahayaan ko pa bang mawala?

Frustrated kong nagulo ang buhok ko bago itinulak pabukas ang pinto ng kwarto ko. Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong silid at tiningnan lahat ng lugar kung may bakas 'niya' bago tuluyang isinara ang pinto. Maganda nang sigurado para makahingi ako ng tulong Kay kuya Ash kung sakali. Pero mukhang wala naman siya dahil ganun parin ang ayos ng sliding door ko sa tapat ng veranda.

Locked and secured! Sana wag nang magpakita sakin ang lalaking yun dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Dahil sa kanya unti-unting nagugulo ang tahimik kong buhay. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng mga bagay na kinatakutan. Sana huwag nang dumating sa punto na kasuklaman ko siya dahil sa mga nangyayari samin ngayon. Isa lang naman ang gusto ko eh. I want everything back to normalcy!

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now