Chapter 45

313 8 0
                                    

ARYLL CLARKSON


My eyes slowly open to the blinding morning sun peeking through the balcony curtains. Dama ko agad ang pananakit ng buo kong katawan at ang pagsigid ng kirot sa ulo ko nang maalimpungatan kaya hindi ko agad nagawang bumangon kahit pa nga alam kong may nadadaganan akong matigas na bagay.  Inangat ko ang kamay ko para iharang sa mukha kong nasisinagan ng araw bago ko marahang imulat ang mga mata ko. Unang bumungad sakin ang malawak na walk-in closet sa loob ng kwartong sobrang pamilyar sakin.

My eyes wander around thinking how I got myself here. Natigilan lang ako nang maalala ang lahat ng mga kaganapan kahapon, ang mga laban, at mga nakakabiging putukan at pagsabog. Kahit sa pagkakatong ito na alam kong ligtas na ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong panginigan sa takot dahil sa mga harapang patayan na nasaksihan ko. Parang lahat ay nanariwa sa isipan ko at kahit na anong pilit kong huwag nang balikan pa iyon at isipin ay hindi ko magawa; mananatili iyon dahil sigurado akong hindi iyon ang una at huling pagkakataon na mangyayari iyon.

Kahit ramdam ko pa ang panghihina ng katawan ko, sinubukan kong bumangon mula sa pagkakadag-an ko sa kung ano para lang magulat at matigilan nang makita si Russ sa ilalim ko at tulog na tulog habang yakap ang bewang ko kaya hindi agad ako makaupo. Tinitigan ko lang tuloy ang mukha niya na parang walang inaalala sa sobrang payapa. Bumuntong hininga ako bago mahinang umungot at pinilit tinagtag ang mga braso niya dahil siguradong nahihirapan na siya sa pagkakadag-an ko. Bakit ba kasi ako napunta sa ibabaw niya? Ganun na ba talaga ako kalikot para kung saan-saan nalang ako napupunta?

“Aray ko!!!.”

Napaigik ako sa biglaang pag gilid ni Russ sa pagkakahiga kaya nadamay ako at tumumba rin sa gilid dahil hindi pa rin niya ako binibitawan. Naipit ang braso ko kaya kahit mahirap ay pinilit kong bumangon at inalis ang malabakal niyang braso sa bewang ko. Para akong hinapo nang tuluyang makaalis dahil sa higpit talaga ng akap niya na akala mo ay kinukulong na ko. Ininat ko ang mga braso ko at mahinang pinukpok ang balikat ko dahil sa pangangalay. Nilingon ko pa si Russ bago siya ungusan dahil hindi man lang ata nagising.  Akma na sanang akong bababa ng kama nang bigla nanaman akong hinila ni Russ pababa at dinantay pa ang binti niya sakin para hindi ako makaalis. Magpoprotesta pa sana ako nang sumubsob ang mukha niya sa leeg ko at hinalikan ako roon na ikinagulat ko.

“Stay here,” his bedroom voice vibrated on my skin when he pulls me even closer to him. Hindi ko nagawang makagalaw at napalunok nalang ako dahil sa labi niyang paulit-ulit na humahalik sa leeg ko.

Sinubukan kong kumalas sa kanya pero umungot lang siya.

“Cuddle babe, please? I miss you.”

Tuluyan na nitong sinandal ang ulo niya sa dibdib ko kaya wala na akong nagawa kundi ang manatili na roon. Inayos ko lang ang braso ko para ipalibot sa likod niya nang mahaplos ko ang buhok niya. Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung may dapat ba akong sabihin. Pakiramdam ko ang awkward sakin ng sitwasyon dahil kahapon na lang uli kami nagkita tapos hindi pa maganda. Hindi ko lang alam kung paano kami muling magsisimula gayong . . . tatlong buwan siyang nawala at wala man lang kaming naging komunikasyon. Isa pa, ni hindi ko nga alam kung bakit ganito nalang ang attachment na meron kami sa isa’t-isa. Hindi ko naiintindihan ang mga ganitong bagay. Bago sakin ang lahat kaya naguguluhan ako.

Silence is what only filled the room for how about minutes. Tanging pagyakap lang at paghaplos ko lang sa buhok ni Russ ang ginawa namin at hindi rin siya nagsalita. He just settled himself on my chest, embracing me not too tight but securing.

Narinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga na hindi ko naman alam kung para saan kaya hindi ko na pinansin pa.

Nang akala ko ay ganun nalang kami, bigla siyang nag-angat ng tingin at malamlam ang mga matang tiningnan ako.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now