Chapter 3

510 23 0
                                    

ARYLL CLARKSON

“Wala ka bang gana anak at hindi mo magalaw iyang pagkain mo?”

Nilapag ni Manang Berna ang baso ng gatas sa harapan ko kaya binitawan ko ang tinidor na pinanghahalo ko sa carbonara na napag trip-an kong kainin para sa umagahan. Akala ko pa naman ma-e-enjoy ko ang pagkain dahil ito ang paborito ko pero hindi talaga ako mapakali.

“Parang wala rin po akong gana pumasok ngayon, Manang.”

“Abah bakit naman? Akala ko ba ay kailangan mong mag-aral para sa defense niyo?”
Umupo si Manang sa katabi kong upuan at sinalat ang aking noo. “Wala ka namang sakit. May problema ka ba?”

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Manang na may pag-aalala ang mukha. Tipid akong ngumiti.

“Manang, kapag po ba humingi ng tawad satin ang isang tao, ibig sabihin ba n’un ay may nagawa siyang mali satin?”

Daig ko pa ang pinanganak kahapon dahil sa walang kakwenta-kwenta kong tanong. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko pero kailangan ko lang talaga ng may makikinig sakin dahil mukhang sasabog ang utak ko dahil sa mga bumabagabag sakin.

“Oo syempre. Ibig sabihin may mga bagay siya na pinagsisisihan na nagawa kaya siya humihingi ng dispensa. Bakit tila ika’y natutuliro? Ayaw mo bang tanggapin ang sorry niya kaya ganyan ang reaksiyon mo?”

“Hindi naman po sa ganun, kaya lang, alam ko naman ho na wala siyang ginawang kasalanan sakin kaya hindi ko alam kung para saan ang sorry-ng iyon.”

“Sino ba ang tinutukoy mo?” I blow out a deep sigh.

“Kasi si Kuya, Manang. Narinig ko siyang nag sorry sakin kagabi. Pero wala naman akong maisip na ginawa niyang mali sakin. Bakit siya nag sorry?”

I don’t have an idea how disoriented I look like because of the questions that keep hanging inside my brain. Alam kong kunot na kunot nanaman ang noo ko pero sigurado naman ako na maganda pa rin ako. Iyon lang talaga ang mahalaga sakin.  Pero mula pa kagabi ay iyon na ang bumabagabag sakin nang maalimpungatan ako at maramdaman ang pagdampi ng labi ni Kuya sa noo ko at ang paulit-ulit nitong paghingi ng tawad na hindi ko maintindihan kung para saan. Sigurado ako na walang ginawa sakin ni Kuya na ikagagalit ko, pero ang paraan ng pag so-sorry niya kagabi ay nakakabahala. Para bang malaki ang naging kasalanan niya at sisising-sisi siya.

“May pinag-awayan ba kayong magkapatid?”

“Not that I’m aware of. Okay naman ho kami ni Kuya. Pero nung dalawang linggo siya na hindi umuwi, parang may nagbago nanaman sa kanya.”

“Naku. Eh kung ganoon pala na ika’y nababahala, bakit hindi mo kausapin ang kapatid mo? Para naman hindi ka nababalisa ng ganyan at ako’y naninibago sa kilos mo.”

“Natatakot po akong magtanong, Manang. Natatakot ako sa magiging sagot ni Kuya.” Bigla akong napanguso. “at bakit manang? Pangit na ba ako pag naaaligaga?”
Napahawak pa ako sa mukha ko para damhin kung pumangit ba ako dahil sa pagkabangag ko kagabi. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong nag-o-overthink dahil pakiramdam ko ay pumapangit ako. Kaya dapat good vibes lang ako. Good vibes! Si Kuya Ashkiell naman kasi napaka negatron.

“Hindi. Eto talagang batang ito. Ikaw parin ang pinakamaganda kong alaga kaya huwag ka nang mag-alala pa.”

“Ako lang naman ang alaga mo Manang eh. Malamang ako talaga ang pinakamaganda.”

Tinawanan lang ako nito bago ginulo ang buhok ko at tumayo sa kinauupuan.

“Oh siya, siya. Pumasok kana at sigurado ako na malalate ka nanaman. Nilagay ko na sa bag mo ang pagkain mo dahil baka magutom ka habang nagkaklase kayo. Hindi ka pa naman kumain ng ayos ngayon.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now