Chapter 40

181 8 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

CAHLEB is smirking from ear to ear while staring at the wide empty railroad and the grove of coconut and linden trees scattered all around the mountain highway he’s currently monitoring. Katulad nang plano nila ni Louise, sinadya nilang mag shortcut sa lugar na malayo sa mga tao o establisyementong madadamay sa sigurado silang magiging giyerang labanang ito. It was a favor done for him and his gang though.

Knowing Rosso, this place will surely be going to be a wash out scene later this day. Isama pa ang katotohanang hindi nila kilala ang makakalaban nila ay kailangan nilang magpasikat. Iyon lang naman ang naging komento ng mayabang na si Kayde na akala mo ay hindi laging napapahamak sa mga misyon nila.

Gamit ang binocular ay sinipat niya ang hangganan ng lugar. Nasabi ni Louise na hindi lang simpleng pag-atake ang mangyayari kundi isang ambush kaya bago pa mangyari iyon ay mas mabuti nang maghanda sila. Syempre ay hindi naman nila hahayaan na may mangyaring tataliwas sa plano nilang protektahan ang pamilya ni Aryll. Russ will undoubtedly go insane if he learns that his woman has been put into danger.

Naiiling siyang umupo sa damuhan at kinuha ang portable computer kung saan naka kunekta ang mga control nila sa specialized weapon and equipment na naitanim na nila sa ilang bahagi ng lugar. Of course, as the clan's weapon specialist, he has complete control over those motherfuckers who will try to make a dent in their group. Tingnan lang niya kung hindi mag gutay-gutay ang katawan ng mga iyon.

“Cahleb, paparating na ang sinasakyang van nila Louise,” it was Red who speak through his ear piece.

Napatango siya at kinuha ang kanina pa niyang na-assemble na M107.50 Caliber Long Range Sniper Rifle. Marahan niya itong sinakbit sa likod niya bago tumayo. Tiningala niya ang mahabang puno ng niyog bago napangisi at kinuha ang army field jacket niyang nasa damuhan. Itinupi niya iyon bago ipinalibot sa katawan ng puno ng niyog at ginamit iyon para makaakyat.

Ang sleeves nito ay pinalibot niya sa pareho niyang kamay para ma-secure na hindi siya malalaglag habang umaabante pataas. Sa bawat pag-angat ng damit ay siyang pagtungtong ng paa niya sa trunk nito hanggang sa tuluyang makarating sa pinakang tuktok.  When he finally found a settlement above the tree, his handsome face lit up with a contented grin.

“Sabi ko na may lahi kang unggoy eh,” natatawang puna ni Red sa kanya sa kabilang linya. Bumaling siya sa poste kung saan nakalagay ang camera na naka attach sa monitor ng IT room nila sa isang base nila sa Manila bago niya pinakita ang gitnang daliri kay Red. Mas humagalpak pa ito nang tawa dahil sa ginawa niya.

“Iyon ang gayahin mo, gago. Palibhasa jan ka lang lagi nakatengga kaya mapurol kana.”

“Ulol. Mas madali ka pa ring mamamatay kesa sakin, gago.”

Muli itong natawa. Napailing nalang siya at sinipat sa scope rings ang noon palang na palapit na sinasakyang van nila Louise. Nilihis niya rin iyon sa kabilang direksiyon nang makarinig nang sunud-sunod na ugong ng mga motor at sasakyan.

“Hiro? What’s your status?”

“Positioning. Naghihintay na ako sa daan na pinasukan ng sasakyan nila. Sigurado akong babalik ang van para tumakas.”

“Luke? What do you see?”

A thud sound interrupted the line before Luke answered him. “Sigurado ba kayong hindi si Midst Silvestre ang nasa likod ng paglusob na ito? Lahat ng tauhan na nakikita ko ay puro Sopranos.”

Luke was also looking through his binoculars when he noticed more than ten Jeep Wrangler and SUVs speeding up and tailing the van where Louise and his gang were. Hindi naman iyon nakakagulat dahil nasabi na sa kanila na talagang desidido ang sinumang lulusob na ito sa gang ni Louise na patayin silang flahat.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now