Chapter 51

205 4 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

ARYLL wakes up seeing Russ’ face just an inches closer to hers. Tulog na tulog ang binata at napakakalmado ng hitsura habang ang mga kamay ay mahigpit na nakayakap sa kanya samantalang ang mga binti nito ay mabigat pang nakadantay sa mga hita niya.

She reaches for his face and caress it gently. Napakalambot at kinis noon kahit pa nga may ilang bakas ng galos. Pinadausdos niya ang daliri sa matangos nitong ilong bago napanguso dahil di hamak na mas matangos pa ito kesa sa kanya. Ang kapal din ng kilay at nagmamataas ang mahaba nitong mga pilik. Bakit yung kanya hindi naman ganito? Kung babae lang siguro ito ay baka naging karibal na niya ito sa pagandahan.

Mahina siyang napatawa sa mga naiisip. Simula nang dumating ang binata sa buhay, tila parang nag mature na ng konti ang isip niya. Kailan ba niya huling pinangalandakan ang kagandahan niya? Lagi nalang siyang naka focus kay Russ kaya hindi na niya alam kung ano bang dapat pa niyang maramdaman sa sarili. Well, she’s blooming of course . . .  and proud? Dahil may isang taong hindi niya inakalang nagawa siyang hintayin ng limang taon para lang tuluyang makasama siya? Russ loves her with all his heart. Sa mga nakita niya kahapon, sapat na iyong rason para hindi niya kailanman kwestyunin ang nararamdaman nito. Though, he has always been open about it since then. Mas lumala lang ngayon ang pag-aangkin nito sa kanya. Wala naman iyong kaso sa kanya dahil mahal din niya ito.

Ang iniisip lang niyang magiging problema ay ang pagiging mahina nito kapag siya na ang involve. She doesn’t want that to happen. She doesn’t want him to make her his weakness. Maraming mga bagay ang magiging mahirap para sa binata kapag dumating ang pagkakataon na kinatatakutan nilang lahat. She just hopes someday; Russ will be able to handle his emotion so he will not have to worry about her.

Umalis siya sa hinihigaan nilang dalawa ng binata bago pa man ito magising. She thinks of taking a bath pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang bagong damit. She buns her hair before punching the code of the door and heads out.

Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha nang masilayan ang mga gang ni Russ kasama ang sa kuya niya na pare-prehas nakaabang sa may pinto.  Mukhang kakatok pa si Louise kaya nabitin sa ere ang kamay. Gulat din ang mga ito nang makita siya at napaatras, wari’y naghahanda pa at tinatantya ang mood niya dahil sa nangyari kahapon.

“A-anong ginagawa niyo diyan? M-may kailangan ba kayo?”

Bumaling siya sa kuya niya. Kumamot ito sa ulo bago inabot sa kanya ang tatlong paper bag na may tatak pa ng Louis Vuitton, at Channel. Her brother’s lips protruding while cheeks turning scarlet and avoiding her gaze.

“P-peace offering.”
Alangan itong lumapit sa kanya at mabilis siyang niyakap bago bumulong. “Sorry about yesterday, princess. Huwag ka nang magalit kay Kuya, hmm?”

Aryll can’t help herself but to smile with his sweet voice pleading. Niyakap din niya ito pabalik at sumubsob sa dibdib ng kapatid.

“I’m not any longer mad, Kuya. Let’s not just hope to experience the same thing again, alright? And I’m sorry for getting work out too.” Kumalas siya rito at nilingon ang mga kaibigan ng Kuya niya before she apologetically smiling.

“I’m sorry for venting my anger to all of you. Hindi ko sinasadya. I have no excuses, I was really mad, but I don’t intend to vent it all out to you.”

Tim gently caressed her hair and patted it like she’s a good kid.

“We understand you, young lady. I’m just happy you know how to stand for your friend, and for what you think is right. Hindi mo kailangang humingi ng dispensa dahil kami yung may mali. Thank you for making us realize our mistake.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now