Chapter 53 (SPG)

428 10 0
                                    

Warning: R 18


XCHIANNA KYLIE SERVANTES


IT WAS already quarter to nine in the evening when I notice the time. Kung kanina ay halos mapuno ang dining area dahil sa tatlong grupo na magkakasama, ngayon na nandito kami sa may longue area ay mas lalo lang sumikip ang lugar dahil sa pagdagdag at pagdating ng grupo ng Zinyster o mas tama sigurong itawag na ay Imperio Oscuro.

Kanina pang hapon nagsimula ang kasiyahan at halos lasing na ang karamihan sa kanila pero walang nagpapaawat. Palibhasa kasi ay nandito ang mafia master at nakikisali sa kanila. Now that I met the Mafia Master of the Dark Circle, mas lalo ko lang napatunayan kung gaano nakakatakot kalabanin ang mga Speros. Dumagdag pa ang presensya ni Carter Rajiv na kahit tahimik at pinagmamasdan lamang ang mag-ina niya ay siguradong hindi basta-basta. Russ was intimidating but soft-hearted. But Carter, he was like a good person with his fine features, but he’s surely not simply like that. That could just be his ruse.

Bumuntong-hininga ako at pinanuod sina Fabrienne at Majare na may sariling mundo sa may gilid at sumasayaw sa bawat saliw ng musika. They were dancing erotically along with the dirty lyrics of the song. Bawat pag-indak ng kanilang balakang ay ang mumunting hiyawan mula sa mga kalalakihang nanunuod sa kanila.

Muli akong napailing at sumimsim ng alak sa kopitang hawak. Agad sumigid sa lalamunan ko ang pait at marahang umubo. Ang tapang naman nito. Binaba ko iyon sa lamesa ko at hinagod ang buhok ko. Wala akong makausap dahil bukod sa ayoko ring makipag-usap ay wala naman talaga akong balak na makigulo sa kanila. Wala rin naman si Aryll dahil siguradong magkasama nanaman sila ni Russ. I overheard about her engagement with him pero hindi pa uli kami nakapag-usap bukod kaninang umaga nang bigyan niya ako ng gamot para sa likod ko. Pagkatapos noon ay sinamahan na niya ang nobyo na kanina pang nakabuntot sa kaniya.

I can’t help it but to be happy for her. She deserves all this thing after what happen. Kampante akong magiging maayos ang lagay niya sa kabila ng gulo at kakaibang takbo ng mundo nila. Russ will surely take care of her and that is certain.

Napaigtad ako sa kinauupuan nang may basong bumagsak sa lamesa ko kasabay nang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Nilingon ko ito na sana ay hindi ko nalang ginawa nang makita ang taong hindi ko kailanman gugustuhing makita muli.

Sumalubong sakin ang dilaw niyang mata at ang ngisi niyang nakapagpakilabot sa sistema ko.

Ngayon ko nalang uli siya nakita simula sa mga nakalipas na buwan at ipinagpasalamat ko ang bagay na iyon dahil minsan lang siya sumulpot. Kapag naalala ko ang bawat pagkakataon na nagtatagpo ang landas namin ay mas gugustuhin ko nalang mamatay dahil hindi ko masikmura ang lahat ng iyon.

Napalunok ako. Mas pinili kong mag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mata niya. It was too intimidating and threatening. It keeps on telling me that’s he’s superior. That I should be afraid of him because he rules me and he can control me.

“Miss me, Kitten?”

Umakyat ang kilabot hanggang sa batok ko nang tumama ang mainit niyang hininga sa leeg ko nang senswal siyang magsalita.

Nahigit ko ang hininga ko nang maglandas ang daliri niya sa braso ko at paulit-ulit iyong hinaplos na may kasama pang mararahang pag pisil.  Akma sana akong aalis sa kinauupuan ko para iwasan nalang siya nang pumulupot ang kamay niya sa braso ko at pinirmi ako sa pwesto ko na ikinaharap ko sa kanya at muling sinalubong ang matiim niyang tingin na nakapag palambot ng mga tuhod.

“Where are you going? You’re going to leave me here alone, kitten?”

“B-bitawan mo ko, Rassell.”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now