Chapter 48

230 5 0
                                    

ARYLL CLARKSON

I've never gotten so worked up about chastising two mature men in my entire life, until now. Nahihilo na ako sa kabilaang patutsada nila Russ at Kuya at hindi ko na alam kung paanong takip pa ng aking mukha ang gagawin ko para sana sabihin na hindi ko sila kilala.

They were so childish and won’t even stop pestering one another when they get the chance.

Nasa mahabang dining table kami ngayon at isang sorpresang sa tatlong gang na ito na nagsama-sama ay nagkasya sa iisang table lang. We are finally having our brunch. Magkatabi kami ni Russ sa kaliwang side ng mesa at nasa unahan naman niya si Kuya kaya hindi na natapos ang iringan nila. Pinabayaan ko nalang, tutal ay mukhang nag-e-enjoy din naman ang mga gang nila na makita ang ganitong side nila Russ at Kuya. They’re not even aware of the little problem they have towards one another. I’m glad and I hope that they will finally come to their senses and realize their mistakes and finally reconcile.

Kanina ay ipinakilala narin ni Russ ang clan ng Sycorax. There were five male bosses and two female bosses, one of whom I had already met the day before. Si Majare Laurent. The other one was Fabrienne Palmeiri. Napakaganda nito pero wala man lang akong nakikitang emosyon sa kanyang mukha kahit nagsasalita siya. She was just so distant just like Kelton Malvacini. Para silang may sariling mundo at na-o-obserbahan kong malapit silang dalawa. I’m not trying to be nosy but I guess they’re in a relationship.

Tinalunton ng tingin ko ang taong katabi ni Kelton. Si Fabian Rios. Almost half of his face was covered with a tribal tattoo. Mula sa itaas ng kaliwa niyang kilay papunta sa sideburns niya at pababa pa sa kanyang leeg ay may tinta. It was cool of course. Dahil siguro sa hitsura niya kaya hindi iyon nakakadiring tingnan.

Sumunod ay si Kamil.

Kamil Yannik de Belgique. Russ attached the phrases ‘the forgotten crown prince of Brussels’ on his name. Sa karangyaan pa lamang ng tunog ng kanyang pangalan ay hindi naman na nakakapagtaka na mayroon siyang titulo. His aura was domineering, but it suited his personality perfectly. From his ginger hair, which matches the blue-gray color of his eyes, to his aquiline nose, plump lips, and square jawline, everything about his face screams masculinity. He is indeed a breathtaking sight. Iyon nga lamang ay napakadiin at napakalamig ng ekspresyon nito at nakakatakot kausapin. 

“Quit staring and eat your food, babe,” bulong ni Russ sa tenga ko na ikinagulat ko. 
Napaigtad pa nga ako nang maramdaman ang kamay nito sa binti ko sa ilalim ng mesa at marahang pumisil doon.  Nang balingan ko na ito ay nginusuan pa ako at nagseselos na umiling.

“Mas gwapo ako jan,” sambit niya sa tenga ko. Mahina akong natawa at tumango.

“Wala naman akong sinabing hindi.”

Umingos lang siya bilang sagot at pinagtuunan muli ang kanyang pagkain. Nang mag-angat ako ng tingin ay dumiretso iyon sa dalawa pang sumunod kay Kamil. Si Dallas Castelli at si Sevket Yilmaz na sa tingin ko naman ay silang mas madaling lapitan sa kanilang grupo. They both look harmless to me, but I shouldn’t simply judge their façade. It always that look that can be deceiving that I should keep in my mind.

Natapos ang tanghalian at lahat ay nagpunta na sa longue area nang matatawag na salas na ito dahil daig pa ang mga engrandeng waiting area sa mga hotel sa sobrang lawak at ganda. Kasya ang halos bente katao rito kaya hindi siksikan. 

Ang kaso lang ay mukhang hindi uso ang espasyo kay Russ na nagsumiksik pa talaga sa gilid ko habang nakayap sa bewang ko ang isang kamay, at ang isa pa ay marahang pumirmi sa hita ko na hinayaan ko nalang dahil hindi nanaman ito matatali pag pinansin pa.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now