Chapter 2

585 23 1
                                    

ARYLL CLARKSON

Kumalma ang sistema ko nang makita kung gaano pa karami ang mga estudyanteng pakalat-kalat sa hallway at ground nang malawak at nagmamataas na University ng Auswald. Napangisi na lang ako at pilit winaksi sa isipan ang mga negative na inaalala ko kanina dahil sa weird-ong behavior ni Kuya Ash.

Napabuga ako ng hangin at umupo sa isang bench bago inalis ang bag ko sa katawan at pinatong iyon sa upuan. I have to make a review nga pala. Dahil graduating na ko, kailangan kong pagbutihan lalo ang lahat. Si kuya kasi ang idol ko. Nakaragraduate na siya ng MBBS at ngayon ay nagtatrabaho bilang isang doktor. Buti na nga lang at iyon ang kinuha niyang kurso dahil wala talaga akong balak na sumunod sa yapak ni Mommy na isa ring surgeon noon pero simula nang makagraduate si Kuya at naging maayos naman ang performance ay hinayaan na sila ni Mommy na magtake-over ng Hospital. Iyong kumpanya naman ngayon na pag-aari ni daddy ang inaasikaso nila kaya ginagalingan ko talaga dahil siguradong sa akin din iyon mapupunta kapag nakapagtapos na ako.

Napatigil ako sandali sa pagkakalkal ng gamit nang masilayan ang itim na card na may logo ng pulang lobo na may itim na mata at isang itim na itim na pakpak na nakatupi sa likod nito. May shade rin ng kulay itim at pula sa bawat paligid ng card na parang dugo. Kumunot ang noo ko. Saan naman nanggaling to? Sa admirer? Bakit ang creepy naman ng style? Tsaka pano to napunta dito? Haiish...

"Another treasured family was revealed!! I didn't know Ashkiel Clarkson could have a very gorgeous sister like you. Can't wait to see him get mad and transformed into a monster once I use you to put his gang out of my way. Be careful, beautiful. All eyes are on you now,"

mahina kong basa sa sulat kasabay na nakapagpatulala sakin pero pagkaraan ay malawak na napangiti dahil sa papuring natanggap. Sabi ko na nga ba at sa admirer lang nanggaling. Jusko! Bakit naman ang pangit ng card na pinaglagyan? Pasalamat siya at pinuri niya ang kagandahan ko kundi matatakot na sana ako sa ka-corny-han ng card.

All eyes are on you now. Sus! Sanay na sanay na akong pinagtitinginan jusko. Small thing!

"Make sure to give your best in your defense, guys. This may not be your final requirements before you graduate, but I'm telling you, this could help you in your venture. Give your best, okay? Five months from now, you'll be handling your diploma, yeah? I'm hoping to meet the expectations from every one of you. Can I count you in?"

"Yes Mam!" sabay sabay naming tugon na malawak nitong ikinangiti at tumango. She gives us the other references regarding our thesis defense. Napabuntong hininga ako at naglista ng notes. Ang bilis talaga ng panahon. Malapit na akong grumaduate. I am a business management student. Plano ko kasing gumawa ng sarili kong negosyo after working din sa ibang kumpanya. Alam kong ibibigay sakin ni daddy ang corporation pero nangako ako sa sarili na gagawa ng sarili kong pangalan. Hindi muna ako magtatrabaho sa kumpanya namin syempre. Baka hindi makapag pokus ang mga tao doon kasi lagi nilang makikita ang kagandahan ko. Eh ayoko namang mangyari yun baka magsara ang kumpanya namin. Eh di ako nasisi? Atleast kung sa iba ako mag wowork at magsara yun, hindi kawalan diba? Eto naman kasing kagandahan ko nauuna sa listahan ng mga problema ko. Ang dami-dami ko nang iniisip dumagdag pa.

"That would be all for to today. Dismissed," anang professor namin at nauna nang lumabas ng room namin.

Lunch break pa lang at dahil wala na akong klase sa hapon ay lumabas na ako ng campus at naglakad-lakad. I texted my bestfriend Xchianna to come and meet me halfway. Tourism naman ang kurso niya kaya magkaiba kami ng building. Naupo ako sa isang upuan sa isang shed at napatitig sa malaking entrance ng University.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now