Chapter 49

161 7 2
                                    

XCHIANNA KYLIE SERVANTES 

ILANG guhit ng pulang marka ang bumakas sa likod ko nang masilayan ko ang sariling katawan sa salamin. Mahahaba ang latay ng latigo mula sa torture kahapon na naranasan ko. I wonder for how long it will take for this wounds to finally vanish.

I stare at my reflection on the mirror. My pale skin complimented my soulless eyes. Ang dati nang walang buhay ay mas lalo lang nawalan ng emosyon habang sinasariwa ko ang lahat ng kaganapan kahapon. Kahit ayos na ang atraso ko sa mga Rosso dahil kay Cross, hindi noon mapapawalang-sala ang totoong atraso ko sa pagkakaibigan namin ni Aryll. I don’t know how I will be going to explain my side without mentioning the real reason why I befriended her. Wala akong lusot kahit saang parte ko iyon ipaliwanag sa kanya.

I wanted to kill her. I have plans of killing her. Kahit kelan ay hindi magiging tama ang pagkakaibigan namin dahil simula palang ay masama na ang intesiyon ko sa kanya.

Malalim akong napabuga ng hangin bago inayos ang robang suot ko. Hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ni Cahleb kung saan niya ako dinala at ginamot kagabi. Dinalhan na rin niya ako ng pagkain at binalitaan sa mga nangyari kanina. Nabanggit din niya ang naging reaksiyon ni Aryll nang malaman ang mga kaibigan ni Louise ang nag traydor sa grupo nila. He said she was emotionless while saying she can never forgive those who ruined her trust. That’s already figured. Sino bang tanga ang magpapatawad ng taong trumaydor sa kanila?

Inayos ko ang mga damit na susuotin ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang pinakahuling taong gusto kong makita. Natulos ako sa kinatatayuan at natatakot na sinalubong ng tingin ang walang emosyong mga mata ni Aryll na nakapako sa direksiyon ko.

Napalunok ako. Hindi pa ako handang harapin siya. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. P-paano ko ipapaliwanag sa kanya lahat?

“A-Aryll—“

“Hi Xchia.”

Kumuyom ang kamao ko at mariing napapikit nang marinig ang malamig niyang tinig. Banaag ko roon ang pait; wala ang dating tuwa kapag naririnig ko ang pangalan ko na binbigkas niya.

“Aryll.”

Disgust appears on her eyes when I was about to approach her but she chooses to take a step back to avoid me. Napatigil ako at kinagat ang nangangatal kong labi dahil sa sakit na nararamdaman ko nang iwasan niya ako. Lalo pa ang paraan kung paano niya ako tingnan na para lang akong isang etranghero sa kanya.

My eyes clouded with tears. Hindi ko mahagilap ang tamang salita para dipensahan ang sarili ko dahil hindi ko rin alam kung paano at kung dapat ba dahil sa nakikita ko ay mukhang alam na niya ang totoo.

“It took you five years, huh?”

Napayuko ako. Ramdam ko ang pangangatal sa tinig niya sa kabila ng panunuya roon na siyang ikinatulo ng mga luha ko. Her voice wasn’t only sarcastic but also hurtful. Puno pa ng suklam na parang ipinababatid sakin kung gaano ako katanga para sayangin ang limang taon sa kanya kung kaya ko naman siyang patayin agad.

Napailing ako at kahit hilam ang luha ay sinalubong ko ang tingin niya para sana magpaliwanag.

“A-Aryll, I didn’t mean to—“

Isang sampal ang nakapagpatigil sakin sa pagsasalita. Pumaling ang pisngi ko sa kabila sa lakas ng pagtama ng palad niya sakin. Hindi ko nagawang pigilan ang pag-alpas ng hikbi ko hindi dahil sa sakit ng ginawa niya kundi sa paninikip ng dibdib ko sa sakit nang nararamdaman. Mas hindi ko makakaya na hindi niya ako mapatawad. I am more than willing to accept all the hatred and physical pain she will give me, handa ako sa lahat, mapatawad lang niya ako.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now