Chapter 42

189 9 0
                                    

THIRD PERSON’S POV


RUSS was enraged when he saw how much damage the ambush had done to the location where the firing was still taking place. Napapanood niya sa screen ng computer niya ang mga footages ng nangyayari sa paligid at alam niyang marami ang mga kalaban na sumugod sa clan niya. Kahit na kalmado ang panlabas niyang anyo, siya namang bilis ng tibok ng puso niya dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Aryll.

Red keeps him posted about her and who has been with her while escaping. Hiro and Kayde are both watching the movement of their enemies but it wasn’t enough for him to stay calm. He fucking needs to see Aryll so he can finally be sane. Kung kaya nga lang sana niyang pagmadaliin ang chopper na kinalalagyan niya ay nagawa na niya, but he has no fucking choice but to stay calm and keep his cool. Kailangan lang niyang isipin na maayos ang mga kaibigan niya at kaya na nilang protektahan si Aryll.

But fuck!

He can’t fucking stay calm at all. Bakit ba hindi niya naisipang umuwi nalang ng mas maaga kesa ganito na kung kelan may nangyayaring pag-atake sa clan niya ay saka siya aligagang umuwi.

“Calm down, Boss. Aryll will be fine,” it was Zairo’s voice speaking.
Tanging pagtango lang ang ginawa niya at hindi na nagawang magsalita. Kasama niya sa loob ng chopper ang anim sa pitong myembro ng Sycorax na pare-parehas armado na sumama sa kaniya pabalik ng Pilipinas.

It has been three months and having them as his companion in his mission to train and eliminate the other clans alliancing with Sopranos has made things easier for him. Iyon nga lang ay tumagal iyon ng tatlong buwan dahil na rin sa kagustuhan niyang mag training.

It was under the mafia boss of Imperio Oscuro before Creed Dawson, it was Kysler Wilson. Hindi niya inakalang makikita niya ang naging kasangga ng ama niya. He wasn’t just sure why that man never acknowledges coming back in his clan. He was indeed intimidated with him that he didn’t bother asking him his questions within the month of having him as his trainer. Marami siyang natutuhan dito at inaamin niyang mas tumindi lang ang kaalaman niya sa pakikipaglaban dahil sa lahat ng tinuro nito sa kanya.

Almost twenty minutes has passed and finally he can calm down a bit. Russ holds the two coiled rope and push it down the ground. He runs down the surface with speed as he intended to go down the ground as early as possible. Sa kabila ng nakakabinging hangin na nagmumula sa chopper, hindi nakaligtas sa kanya ang mga ingay na mula sa palitan ng putukan ng baril at mga pagsabog ng granada.

Sumunod sa kanya si Majare na walang hirap na nagslide pababa gamit din ang rapelling rope na hinagis ni Sevket. He followed afterwards.

Hindi na hinintay ni Russ na makababa lahat ng myembro ng Sycorax dahil alam niyang may kanya-kanya na itong gagawin kahit hindi niya sabihin. Tanging sila Zairo, si Kamil na siyang umatake sa mga kalaban mula sa himpapawid at si Fabrienne na may hawak ng control sa chopper ang mga naiwan. Sumama sa kanya ang apat na humiwalay din sa direksiyon na tinahak niya.

Parang nandilim ang paningin niya sa dami ng mga nagsusulputang kalaban na siguradong hindi lamang myembro ng Sopranos. Nakaharap na niya ang ilan sa mga tauhan ng Ignavus at isa ang clan na iyon sa pinagtuunan niya ng pansin habang nasa Russia siya. Hindi niya inakalang hanggang sa Pilipinas pala ay nagkalat din ang mga ito at hindi malayong may ugnayan na ang Sopranos at ang huli.

“Boss, papunta si Aryll sa lokasyon na’yan,” boses iyon ni Kyle na kahit hindi siya nito nakikita ay agad niyang tinanguan.

He takes a hold in his earpiece and speaks in a calm demeanor. “Don’t kill whoever fucker leads them. No one deserves an easy death after causing damage to my clan, and no one even dare to scare my woman and get away with it. Ako ang papatay sa kanilang lahat,” may diin at puno ng pagbabanta na aniya na ikinasang-ayon din nito sa kabilang linya.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now