Chapter 11

352 13 0
                                    

CROSS AUSWALD (ZINYSTER’S CLAN)


“What has gotten in your mind and you asked one of our men to kill Louise Clarkson? Nababaliw ka na ba? Hindi natin kalaban ang Rosso,” irritation was perfectly evident on my voice as I marched towards his direction.

Nakaupo ito sa mahabang sofa habang nakatutok ang mga mata sa monitor ng cctv na naka konekta sa kwarto niya at pinapanood ang babaeng kinababaliwan niyang nakaupo lamang naman sa kama at nagbabasa ng libro. His face was emotionless but his eyes are dancing with amusement. He was also puffing on his vape while holding a glass of whiskey on his right hand.

Nang hindi ako nito pinansin ay muli kong tinawag ang pangalan niya na ikinaangat niya ng tingin sakin. Tumikwas lang ang kilay nito nang mapansin ang iritasyon sa mukha ko.

“Calm down, Auswald. I was just trying to play with them,” balewala niyang sagot at muling bumalik ang tingin sa screen.

“For goodness sake, Creed, baka mapahamak si Louise dahil sa gagawin mo. Baka nakakalimutan mo na magkaalyansa sila ng Rosso? Hindi natin sila kalaban ipapaalala ko lang sayo. Kapag nagtagumpay ka, kanino sa tingin mo mababaling ang sisi? Baka pati ang clan natin mapahamak dahil sa ginagawa mo.”

"I know Rosso better, Auswald. Alam ko ang ginagawa ko. At kung sakaling mamatay nga si Louise, hindi ba’t malaki ang posibilidad na sa clan ng Sopranos mabaling ang atensiyon nila at isiping ang mga ito ang gumawa ng pagpatay? Sila naman ang pinakamainit ang mata sa grupong yun diba? Eh di bahala silang magkagulo pa,” nakangising sabi pa nito.

My breathing hitched and my tranquility lost in instance.

"Why are we doing this anyway? Wala naman silang kinalaman sa alitan natin at ng Sopranos."

"That's the point, Cross. Kapag naisagawa ko ng ayos ang plano ko, magkakagulo silang lahat. Isa lang naman ang gusto ko at iyon ay ang mapatumba at mapatay ang mga hayop na Sopranos na iyon na pumatay sa magulang ko at ang gagong Silvestre na iyon na bumaboy sa kapatid ko. Nangako akong pagbabayaran nila ang lahat at ito na ang oras para gumawa ng hakbang. At ang Rosso? Sila ang gagamitin ko para makaganti sa Sopranos. Pag namatay si Clarkson walang ibang masisisi kundi sila. Ang Sopranos ang babalikan nila at pupuntiryahin. Sa ganung paraan, makakaatake rin ako hanggang sa humina sila. Alam kong gagantihan nila ang grupo ng kalaban natin and that's the cue that I’m needing. Gagawin ko lahat para makaganti sa sumira sa pamilya ko.”

Natahimik ako at hindi na muling sumagot pa nang makita ko kung paano maglaro ang galit sa mga mata niya. Napailing ako. Sigurado akong hindi ko naman siya mapipigilan dahil matindi ang pinaglalaban niya. He has all the rights to be mad because of what happened to his family. But I just don’t think this one should be part of his revenge. May inosente nanamang madadamay.

ARYLL CLARKSON


Nagpahalumbaba akong napatitig sa laptop ko nang magsimula nanamang madivert ang utak ko sa nangyari kagabi. Nagulo ko ang buhok ko dahil sa asar bago napanguso.

Muli nanamang nanunumbalik sa alaala ko ang nangyari kagabi at ang paraan kung paano niya angkinin ang mga labi ko. Kahit tapos na ang mga pangyayaring iyon, hindi pa rin niya nilulubayan ang sistema ko. It keeps on crossing my mind and it always create havocs in my system. Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko kasalanan ko rin kung bakit ako nagkakaganito. Dahil sa pesteng nakakaadik niyang halik, nagkakagulo ang mga nerve cells ko sa katawan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa tuwing nanjan siya. I should be getting mad, I know. He ruins my normal life. He’s forcing me to do his plea as he controls my body, and yet I am thinking of this way towards that man.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now