Chapter 38

181 8 0
                                    

ARYLL CLARKSON

"OH MY GUSHH!!! ANG GANDA KO!"

Alam kong kanina pa akong pinagtitinginan at pinagtatawanan ng mga kaklase ko dahil kanina pa rin akong tili nang tili pero wala akong pakielam. Ano bang magagawa ko eh hindi nga ako maka get over sa sobrang ganda kong mukha na nakikita ko rito sa graduation picture ko. Kanina ko pa itong hawak at halos lahat na ng anggulo ng black book ay nakuhanan ko na ng litrato pero hindi talaga ako maka get over sa mukha ko. Isa pa ay araw ko ito kaya walang makapipigil sakin.

Tatlong buwan na ang lumipas at heto at naka graduate na rin sa wakas. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na natupad na ang isa sa pangarap ko. I finally graduated with Latin honors pa. Huh!

Ngayon na ako naniniwala na wala talagang tapon sa pagkatao ko. Bukod sa matalino na akong nilalang eh ubod pa ako ng ganda. Minsan tuloy naiisip ko nang sumali ng Ms. Universe dahil feeling ko qualified naman talaga ako, over qualified pa nga. Kaya lang naiisip ko ang haggard sa preparation kaya wag nalang pala. Okay na sakin ang lowkey lang.

"CONGRATULATIONS AGAIN GRADUATES! MABUHAY KAYO!"

Nagsigawan kaming lahat sabay nang masigabong palakpakan at nagsimula nang ihagis sa hangin ang mga cup na suot namin. Tuwang-tuwa kong sinalubong ng yakap si Xchianna na maluha-luha pa nga. Gandang-ganda siguro sakin.

"Congrats Aryll. I can't believe this is really happening right now."

"Oo nga eh. Graduate na tayo. Pwede nang mabuntis," biro ko sa kanya.

Humagalpak ako ng tawa dahil sa hitsura niya. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pamumula ng pisngi kaya nabitin pa ang pagyakap sana niya sakin. Napanguso lamang ako nang batukan niya ako at pinanggigilan ako ng hampas ng hard bound kung saan nakalagay ang picture niya. Nawala tuloy ang poise ko dahil sa tigas nun nang matamaan ako.

"Ikaw kahit kelan, walang preno yang bibig mo. Napaka sagwa!"

"Bakit? Wala naman akong sinabing mali ah." Iningusan ko ito. "Napaka defensive naman ng reaction mo. Palibhasa applicable sayo kasi kayo ni Rassell hmppp-"

Sinupalpal ni Xchia ang hawak niyang pumpon ng bulaklak sa bibig ko para patahimikin lang ako. Napaubo-ubo ako sa kabastusan niya at sinaman siya ng tingin pero malawak itong ngumisi at proud pa sa ginawa niya. Nakain ko pa ang ilang petals na ang sama-sama ng lasa na idinura ko pa. Pwe! May nalasahan pa ata akong insekto bwiset.

"Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga tingin mo sakin o punching bag eh. May galit kaba sakin?"

"Pag hindi mo tinahimik yang bibig mo, tatahiin ko talaga yan, Aryll. Napakadaldal mo."

"Eto naman parang di kaibigan. Sorry na. Bakit ba galit na galit ka kapag nababanggit ko si Rassell? Lagi ka nalang inuusukan ng ilong at tenga kapag nanjan siya sa paligid. Diba boyfriend mo na'yun? Hindi nga ako makapaniwala na pinatulan ka nun-"

Agad akong natahimik at nagkunwaring nag zipper ng bibig nang lingunin ako ni Xchia ng kanyang pamatay na titig na puno nang pagbabantang tatahiin na niya ang bibig ko kung hindi pa ako matali. Napanguso nalang ako at hindi na nagsalita pa kahit puno pa rin ako ng katanungan tungkol sa kung ano ba ang totoong score sa pagitan nila ni Rassell.

Noon kasi madalas ko silang makita na magkasama kaya in-assume ko na may relasyon sila. Hindi rin naman tinatanggi ni Xchia kaya naniwala na talaga ako dahil tatlong buwan na iyon. Ang tagal naman niyang magpapampam. Iyon nga lang eh masyadong mainit ang dugo ni Xchia kay Rassell na kahit ako eh ramdam ko ang pagkulo kahit wala naman itong ibang ginawa sa kanya kundi ang bumuntot. Feeling ko nga may tinatago ang mga ito sakin eh. Bukod sa feeling ko may alam sila na hindi ko alam, bigla nalang nawawala nang walang pasabi man lang.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now