Chapter 13

312 15 1
                                    


ARYLL CLARKSON


Kung gaano kabilis umalpas ang mga luha ko sa mga sinabi ni Kuya kanina, ganoon din kabalis bumakas ang takot at pangamba sa buong sistema ko nang masilayan ang grupo ng mga kalalakihang may hawak na mga baril at napapalibutan kami. Ang ilan ay nakatutok pa sa direksiyon ni Kuya na wari ay naghahanda para sa anumang magiging kilos nito.

Nanatili ang titig ko sa lalaking nakita ko kanina at halos lukuban ako ng kaba nang maintindihan ko ang sitwasyon at kung sino ang taong ito na ngayon ay mas lumawak pa ang ngisi nang masilayan ako. His stares are sending a wave of terror through me.

"A-Aryll!!"

Nanlalaki ang mga matang bumaling ako kay Kuya. I heard him cursed kasabay ng paglapit niya sakin na wari'y pinoprotektahan ako. Agad din naman akong lumapit sa kanya at napahawak sa dulo ng t-shirt niya dahil sa takot.

"Why the hell did you came out?"
I swallow the imaginary lump in my throat and let my heart feel the unbreakable pump. Hindi magkamayaw ang sistema ko dahil sa kaba. Ayokong mangyari ang mga iniisip ko dahil siguradong hindi ko rin pipiliing mapunta sa puder ng taong ito na hindi ko inakalang kausap ko na pala kanina. Hindi ko maunawaan ang rason niya kung bakit napili pa niyang magpakita pero kapag naaalala ko ang mga binitiwan niyang salita kanina, natatakot na agad ako.

"K-kuya . . ."

"Get back inside the car Aryll, damn it."

"P-pero Kuya—“ No way I’m gonna let him face them alone. Sa porma at mga hawak nilang mga baril, siguradong wala silang gagawing matino.

“C’mon Clarkson, we both know your trick won’t work on me. If you insist of keeping her, you’ll only get yourself hurt.”

"Fuck you Speros."

"But I would want to fuck your sister instead, Louise. How was that?"

Mas lalo akong dinamba ng kaba nang mabaling ang tingin niya sakin at ngisian ako. Wala sa sariling napahawak ako sa braso ni Kuya kaya hindi ko na naitago ang panginginig ko.

Ang dami kong katanungan sa isip pero hindi iyon kayang masagot sa mga oras na to lalo na sa kalagayan namin ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako.

May hindi magandang mangyayari.

"K-kuya, n-natatakot na ko."

“Hush princess. I won't let him get you."

Tumatangong napatago ulit ako sa likuran niya at pasimpleng nilibot ang paningin. Kahit pilitin pala namin makatakas, mahuhuli pa rin kami. Armado silang lahat na nakapalibot samin at bantay sarado ang bawat galaw namin. Anong klaseng mga tao ba ang mga ito? Bakit may ganito silang bagay? Ganoon ba kadeikado ang buhay na meron ako at ang lagay ng panganib na nakapalibot samin?

Hindi ako makapaniwalang sinilip ang mukha ni Kuya na bakas ang galit ang galit at tila tuliro at nag-iisip ng paraan para sa kaganapang ito. Napasapo ako sa noo ko at naluluhang napailing.

Jusko! Ano ba tong pinasok mo, Kuya?

"Hand her over to me and we're done. Walang dugo mo ang masasayang, at iyon ang sinisguro ko sayo. But if you insist to pick a fight with me, kukunin ko siya ng sapilitan at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."

Halos mapunit ko na ang dulo ng damit ni Kuya sa sobrang higpit ng hawak ko sa kanya. Paniguradong may katotohanan sa banta niyang iyon kaya natatakot ako para sa buhay ni Kuya. Paano kung magpumilit siya para lang maligtas ako? Paano kung mapahamak siya nang dahil sakin? Anong gagawin ko?

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now