Chapter 6

515 21 4
                                    

ARYLL CLARKSON

Tahimik akong napatingin sa daan habang lulan ng kotse na minamaneho ni Rassell. Kahit ilang beses akong tumanggi ay pinilit pa rin niya akong ihatid kaya wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag dahil natatakot pa rin ako na baka sumulpot nanaman ang mga lalaking muntik na akong makuha kanina.

I heave a deep sigh and close my eyes while resting my head on the seat. Bigla kong naalala ang mga pagdududa ko kay Rassell kanina. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba niya ako dahil lahat ng mga naganap sa lalaking tumulong sakin kanina ay meron din siya. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit salungat sila sa isang bagay.

“Your eyes Rassell… why is it color red?”
Bumalatay ang gulat sa mga mata niya at agad na iniwasan ang mga mata ko.

“This is just a contact lens Aryll. Why do you keep insisting that?”

Inalis nito ang pagkakahawak ng kamay ko sa mukha niya kaya umangat din ang itim na face mask na nakasabit sa pulsuhan niya. Doon tumuon ang tingin ko pagkaraan kaya mas lalo lamang lumala ang mga katanungan sa isipan ko.

“Where did you get that?”

“S-someone gave this to me.” Humakbang ito palayo sakin at naguguluhan akong pinagmasdan. Hindi ko parin magawang ialis ang tingin ko sa mga mata niya dahil katulad lang iyon ng mga mata ng lalaking tumulong sakn. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba niya ako dahil may hinala ako na siya ang lalaki kanina base na rin sa pasa na nakuha niya sa pakikipag suntukan kanina, ang suot nitong face mask at ang mga mala-kulay dugo niyang mga mata. Hindi ako naniniwala na nagkataon lang ito. At sino naman ang magtatangkang maghamon ng suntukan sa kanya samantalang sa hilatsa palang ng kanyang mukha ay siguradong iiwasan na siya?

“What’s wrong with you, woman? Were you hurt that bad that you get to overthink things now?”
Bumakas ang inis sa kanyang tono na ikinapalis ng emosyon at hindi ko maiwasan na hindi magalit sa kanya. Pakiramdam ko ay nagmumukha na akong tanga sa lahat ng mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko maunawaaan ng lubusan ang lahat at totoong naguguluhan na ako.

Sinalubong ko ang tingin niya nang puno ng pagbabanta.

“Why don’t you feed my curiosity and prove yourself to me, then? I don’t trust you, Russell. I don’t even know you, but here I am with you now! I almost get myself into trouble after you left me, and now I’m confused because someone just threatened me again, and all the thoughts I have about that someone are pointing to you. Now tell me please, who are you really? What do you want from me?  Should I be wary of you right now? Are you also a threat?”

Chained Under His Possession (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora