Chapter 7

563 22 3
                                    

ARYLL CLARKSON

Played out and still dazed from last night, I struggle to get up when I woke up to the sunlight hitting my skin. Hindi ako nag-abalang takpan ang hubad kong katawan nang malaglag ang puting kumot na bumalot sakin. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko para lang makita ang walang kahit
anong bakas na iniwan ng lalaking iyon na nangahas na pagsamantalahan ako.

I was exhausted after all he had done to my body. Akala ko katapusan ko na. Akala ko ay itutuloy na niya ang balak niya. P-paano pala kung hindi siya naawa sakin kagabi? Baka mas malala pa ang nagawa niya. By the looks of his presence, I could tell how dangerous and monstrous he could get if he wants to. He is not the type that I can deceive and make-believe that I will follow everything he wanted just because he threatens me. Sigurado ako na marami siyang matang nakabantay sakin, at iyon lang ang dapat kong pag-ingatan. Pero paano ko naman iyon malalaman?

I was feeling so hopeless when I set foot in my bathroom. Mas lalo ko lang naramdaman ang pagod dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mga naiwang bakas ng bawat paghaplos niya sa katawan ko. Ang bawat dampi ng halik niya sa balat ko ay daig pang tinta na hindi ko matanggal sa isipan ko kahit anong pilit kong burahin. Pero kapag naaalala ko kung paano lumakas ang mga hinaing ko sa paggalugad ng kamay niya sa katawan ko, parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil nagpadala ako sa kapahangasan niya. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na epekto lamang iyon ng bagong pakiramdam na naranasan ko kaya hindi ko kasalanan. Alam kong hindi nun mababago ang katotohanan na pinilit niya lang ako sa bagay na iyon at sa umpisa palang ay hindi ko na iyon gusto! He is to blame for all this and he should be held accountable for making me feel the guilt. Pero sana lang ay huling beses ko na siyang makikita dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling maulit nanaman ang nangyaring ito.

Sinikap kong takluban ang mga pulang marka na naiwan sa leeg at balikat ko bago napagdesisyunang lumabas ng kwarto ko.  I compose myself and act normally after getting inside the dining. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na may pinangangambahan akong bagay, lalo na kay Kuya. Baka mas lalo lang siyang mag-alala sakin.

Malawak akong napangiti nang makitang kumpleto ngayon ang pamilya ko. Mabilis akong lumapit sa kanila at humalik sa pisngi para batiin sila.

"Good morning people of the house."

"Good morning, princess."

I giggled sweetly after kissing their cheeks. Naupo ako sa tabi ni Kuya at naghain din ng pagkain, bago bumaling uli sa kanila.

" How was the company dad? Hindi na po ba kayo busy?"

"Somehow it turns good. May pumasok na bagong investor kaya umayos na uli ang sales. Kailangan
nga lang namin pumunta ng Hongkong ng mommy niyo para makipag-usap sa investor na ito. I'm sorry babies pero magiging busy muna kami ngayon," halata ang pagod at dispensa sa mga mata ni daddy habang nagpapaliwanag siya. Napatango ako sa kanya at pilit napangiti para ipabatid sa kanya na okay lang ang lahat. Marami talagang dumarating na problema sa kumpanya. Kung daragdag pa ko, baka mas
lalong gumulo ang lahat.

"Okay lang po kami ni Kuya, dad. Malalaki na po kami kaya we can handle ourselves na po. You need not to worry about us. Naiintindihan po namin. Diba kuya?"

Sandali ko pang binalingan ang katabi ko na napatigil naman sa pagkain at bumaling din samin at tumango.

"Yeah. We can take care of ourselves, dad."

"Naku, Ashkiell Louise! Ganyan ba ang tamang pag- aalaga sa sarili ha? Sa tuwing nagkikita-kita tayo parati ka nalang may bangas. Ano bang pinaggagawa mong bata ka at lagi ka nalang nakikipagbagsag-ulo? To think na isa kang doktor? What's gotten in your head,huh?"

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now