Chapter 4

477 20 0
                                    

ARYLL CLARKSON


“Meron uli?”

Nakanguso akong tumango kay Xchia bago ipinakita sa kanya ang card na nakasingit nanaman sa bag ko nang mapansin ako nitong natigilan sa pagkakalkal. Inabot niya iyon at siya na ang bumasa ng nakasulat.

“Don’t trust anyone around you?” Nagsalubong ang kilay nito. “Is this a threat or a warning?”

“Either or.” Nagkibit-balikat ako bago bumaling sa pagkain ko. Hindi ko pinansin ang pagtaas ng kilay ni Xchia na para bang pinahihiwatig na wala nanaman akong pakielam kahit nakatanggap man ng isang card sa isang araw. Nanaman!

Isang linggo na mahigit pero paulit-ulit nalang ang senaryo. Makakatanggap ako ng card na parehong logo at may nakasulat na threat or warning? Kung hindi sa card, minsan naman text na hindi ko naman makilala kung sino dahil hindi ko naman nirereplyan sa pag-aakalang nang-s-scam lang din.

Wala naman kasi akong nararamdaman na kakaiba o may kung anong nangyayari sa paligid ko na maaari kong ikapahamak. Ganun pa rin naman ang buhay. Maganda pa rin ako!

“Bakit parang hindi ka natatakot?”

“Feeling ko kasi nang pa-prank lang kung sino man ‘yan. Tingnan mo nga ako Xchianna oh. Bukod sa mas lalo akong gumaganda, wala pang nangyayari sakin. Kung totoo yan, dapat noong isang araw pa. One week na ang lumipas,” balewala kong sambit.

Tiningnan lang ako nito na parang hindi makapaniwala kaya napangiti ako nang ubod ng lapad. She shakes her head in disbelief. Magana lang akong kumain at uminom ng tubig pagkatapos ay kinuha ang card na hawak niya. I studied its detail and the penmanship. Pagkaraan ay napatango-tango ako.

“I think this one is a warning.”

“Pano mo nasabi?”

“Paulit-ulit ko kasing inaral yung mga natanggap kong sulat sa loob ng isang linggo. I notice na dalawa ang penmanship sa mga card na natatanggap ko. Other than that, yung isang sulat ay puro warning ang content at sinasabi na mag-ingat daw ako. Gaya nito.” Inangat ko card na ngayon ko natanggap.
“Yung isa naman, puro death threats. Sigurado ako na sa magkaibang tao ito galing. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa parehong card sila nakalagay?”

“Are you sure about your observation?” Tumaas pa ang kilay nito na para bang hindi ako kapani-paniwalang klase ng tao na dapat niyang sang-ayunan. Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi man lang natinag ang walanghiya kong kaibigan.

“Oo naman. Isang linggo ko ngang pinag-aralan yan diba?”

“Kung ganun pala ay hindi lang isa ang may galit o may gusto kang saktan. Teka, nasabi mo na ba ito kay Louise?”

Mabilis akong umiling. “Hindi. At wala naman akong balak sabihin kay Kuya. Sigurado ako na mag-aalala lang iyon at baka nga paghigpitan nanaman ako. Mas mabuti na itong wala siyang alam para malaya pa rin ako,” nakangisi kong sabi.

Kulang nalang tuloy ay sabunutan ako ni Xchia dahil napakawalag kwenta talaga ng mga sinasabi ko eh samantalang buhay ko nga ang maaaring mapahamak sa katigasan ng ulo ko. Pero tulad ng sinabi ko ay wala naman talagang dapat na ipag-alala. Feeling ko kasi talaga ay prank lang ito. Minsan kasi napagti-trip-an din talaga ang mga magaganda kaya naiintindihan ko talaga kung sino man ang gumagawa nito.

“Ewan ko talaga sayo, Aryll. Basta sinasabi ko sayo ha. Mag-ingat ka lagi. Hindi natin alam kung totoo ba ito o hindi pero mas maganda ng sigurado tayo.”

“I’m careful kaya.”

“Careful? Eh kung sinu-sino nga ang kinakausap mo eh. Sino yung lalaking na nakikita kong kumakausap sayo? At talagang minsan ay nakikita ko pa kayo na sabay maglunch ha. Nanliligaw ba sayo yun?”

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now