Chapter 28

249 9 0
                                    

ARYLL CLARKSON


HALOS mapasigaw ako sa sobrang tuwa ng sa wakas ay tuluyang lumuwag ang tali sa mga kamay ko na kanina ko pang sinusubukang alisin. Kanina pa kong ngalay na ngalay sa pagtatiyagang alisin ang necktie na ito na ipinagpasalamat ko nalang talagang natanggal din sa wakas bago pa ako mawalan ng lakas.

Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako at nagtatagak-takan na ang pawis sa maganda kong mukha kaya mabilis kong hinila ang mga kamay ko nang makaramdam ng kaginhawaan doon at agad bumangon sa kama. I stretched my arms upward and wiggle it like a kid. Huh! Akala siguro ng manyak na alien na iyon ay maiisahan niya ko. Wais to no. Bukod sa maganda ako eh matalino rin naman ako kaya nga mahal na mahal ako ng pamilya ko.

Napangisi ako at masiglang naglakad papunta sa pinto para makalabas. Hindi naman nakalock. Buti nalang talaga at bobo rin mag-isip minsan si Russ. Akala talaga niya hindi ako makakaalis sa pagkakatali niya kaya hindi na niya s-in-ecure ang lock ng double door niyang gawa ata sa semento sa sobrang bigat. Pinahirapan pa kong magtulak. Pero bakit nung binuksan to ni Russ hindi naman ganito? Binalibag pa nga niya. Bakit sakin ang hirap? May favoritism ba ang pinto na to?

Napanguso ako at pinagsisiksikan sa maliit na awang ng pinto ang sarili para makalabas. Pagkatapos ng letcheng necktie na’yon, ang depungal na pinto naman na ito. Talagang iniinis ako ng lalaking ‘yon.

Nang tuluyan akong makalabas ng kwarto ay bumungad sakin ang malawak na pasilyo ng palapag na kinaroroonan ko. Dahil minsan ko na rin namang nasubukang tumakas, siniguro ko naman syempre na dahan-dahan lang ngayon. Noong minsan na sinubukan kong magmadali, nahuli ako at hindi rin maganda ang kinalabasan nang mapunta ako sa ospital. Subukan naman natin na hindi nagpapatumpik-tumpik at baka sakaling magkaroon ng reverse.

Alam ko kung gaano kalawak ang mansiyon na ito at sigurado rin ako na hindi agad ako makakalabas dahil tanging elevator at ang escalator sa magkabilang gilid ang daan para makapunta sa groundfloor. Kaya ako nahuli dahil kitang-kita naman ako kahit saan dumaan. Bakit kasi ang lawak nitong lugar na ‘to? Ang gagara pa ng mga nakikita kong gamit at nadaig pang nililok sa ginto ang ilan dahil sa kintab at hitsura palang ay matatakot ka ng hawakan. 

Nagpalinga-linga ako sa buong palasyo na ito na sobrang gagara ng mga dekorasyon. Ang ganda at ang lawak ng lugar. Magkano ko kaya ibenta tong chandelier na gawa ata sa ginto? Yayaman kaya ako nito? Napahagikhik ako at kinalkula sa isipan ko kung magkano kaya ang makukuha kong pera sa mga gamit sa mansiyon ng manyak na alien na iyon.

Sigurado akong hindi ko na kakailanganin magtrabaho pagkagraduate ko. Speaking of graduate, ang tagal ko na palang nawawala sa school. Hinahanap kaya ako nila mommy? Siguradong nag-aalala na sila dahil nawawala ang maganda nilang anak. Si kuya kaya? Baka hinahanap pa rin niya ko. Kamusta kaya ang lagay niya? Tsaka bakit pala may kaugnayan siya kay Russ? Anong atraso niya rito? Bukod sa pagiging tamawo niya, wag niyang sabihin na mafia rin siya? K-kung ganun… Malaki rin ang posibilidad na p-pumapatay siya? Omay---ouchhhh!!

“Arrayyy!”

Nasapo ko ang noo ko nang tumama ito sa matigas na bagay. Napaatras ako at agad hinawakan ang noo ko at napangibit dahil sigurado akong masakit din ang pagkakatama ng noo ko sa baba ng kung sinumang ito.  Nag-angat ako ng tingin at handa na sanang bulyawan ang paharang-harang na ito ng matigalan pagkakita sa kaniyang mukha. I held my gaze to his eyes- bewildered of his presence. Siya ang unang nakabawi at itinuro pa ako.

“Aryll?”

“Rassell?” nagtataka ko ring tanong sa kanya. Bakas din ang gulat sa muka niya at hindi makapaniwala na nakita ako. Tinitigan ko uli siya. Namimilog parin ang singkit niyang mga mata pero hindi yun ang nakapukaw ng atensyon ko. Pinaningkitan ko siya ng mata at nagdududa siyang tiningnan.

Chained Under His Possession (Ongoing)Where stories live. Discover now