62

79.3K 1.8K 252
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

62

“Hi.” Napaangat ng tingin si Elvin. Ang sabi niya sa kanyang secretary, huwag magpapapasok ng bisita dahil may inaaral siyang proposal. Ayaw niyang magpaistorbo. Nag oovertime sila ngayon, dapat ay araw ng pahinga. Ano at sa harap niya ngayon ang Vicroria Andrews na ito?

Gusto niya sana itong taasa ng kanyang hindi naka pluck na kilay kaso hindi pwede, isa siyang maginoo sa harap nito kahit pa gusto niyang masuka. Sabado ngayon at dapat wala silang trabaho pero pumunta siya ng opisina para hindi niya iuwi ang mga papeles. Gusto niyang magkaroon ng sapat na oras sa mag-iina niya mamaya hanggang bukas.

“Was my secretary outside?”

“Yah. I’m sorry, I told her that I badly needed you. I even asked her not to call you. Ako na ang bahala sa iyo. Hindi ba okay lang naman?” She pouted.

Naramdaman na naman ni Elvin ang kilabot na yun, lalo at biglang nasa harap na niya ang babae, napaka revealing ng suot na damit. He wonders if magkano ba ang ginastos nito para ma enhance ang dibdid? Kahit pa maputi ito at lantad ang legs, hindi pa rin nito matatalo ang legs ng Joana Paras niya. Walang laban sa kakinisan ng kutis ng Sintas niya. At kahit pa hindi kasing laki nito ang dibdib ni Kathryn, mas pipiliin pa rin niya ito.

“You told me yesterday that you needed my design, right?” She said in her sweetest smile.

“Yah, but not exactly today.” Nagtataka siya kung bakit alam nitong nasa opisina siya ngayon.

“I know you need this Elvin.” Sabay yuko nito sa harap niya, sabay patong sa lamesa ng folder. Kitang-kita niya! Litaw na litaw. Napalunok siya, hindi dahil sa nagandahan sa nakita kundi dahil yung kilabot na nararamdaman ay damang-dama na niya. Tagos!

Napangiti si Victoria, feeling victorious nung makitang gumalaw ang adam’s apple ni Elvin. Ang gwapo talaga nito. Yung mga mata, ilong, labi, perfect!

“Ah. Salamat. Nakalimutan kong may lakad pala kami ng MISIS ko.” Idiniin na niya ang salitang misis, baka sakaling matauhan. Tumayo siya at dali-daling niligpit ang mga papeles, isinama na niya ang folder ni Victoria para matahimik ito.

“Iniiwasan mo ba ako?” Biglang tanong ni Victoria sa kanya. Ang sarap lang sagutin ng Noselift mo naman pala,, need kesh pa bang i-givenchy ang sagot? Pero isa siyang hombre sa tingin nito kaya hindi pupuwede.

“Bakit naman kita iiwasan? Napagod ka pang pumunta sa opisina, Ms. Andrews.” He tried to sound so formal.

“Hey! It’s Victoria, Vickie if you wish. You can even call me…Babe?”

Napakapit siya sa mesa, masusuka yata siya, feeling niya tumayo na lahat ng balahibo niya sa katawan.

Babe? Yuck! Super mega over yuck! Over his dead sexy body!

Tumawa ito. Pinipilit niya yatang maging sexy sa pandinig niya ang tawa nito pero hindi talaga. “I’m just joking. Of course, call me Ms. Andrews if you are comfortable with that, but I prefer Vickie.”

“Ms. Andrews, I really have to go, you see, I have a wife and children, and I love them.” Sana makuha nito ang mensahe niya.

“Of course, Elvin! But you see, what Vickie wants, Vickie gets. If you know what I mean. Bye, see you around, Sweetie.” Then she went out.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon