70

56.4K 1.4K 125
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

70

Subsob na naman sa trabaho si Elvin nung araw na iyon ng biglang dumating si Victoria at Scanver.

"Pag minamalas ka nga naman! Mga erset (bwiset) sa buhay ko." Bulong niya.

"Sir Elvin, I hope we don't disturb you." Si Victoria with her super pa cute na ngiti na nakakapagpatayo ng mga balahibo niya.

"Hindi pa naman. May problema ba?" Kailangang mas pormal siya. Dalawa na ang kalaban. Yung seryosong-seryoso. Yung lalaking-lalaki.

"Here's the invitation, Elvin. I'm not comfortable talaga to call you Sir Elvin. We are having a party! Sort of victory party na rin because we had a successful project."

"Okay." Alam na niya ang tungkol dun. Gusto niya lang umalis ang dalawang ito sa harap niya. Hindi pa rin kasi niya nakakalimutan ang nangyari sa pageant.

"I hope you can come, Elvin, that's tomorrow night."

"Sure."

"Please bring Kathryn, Elvin."

"Of course she will come with me, she's my wife." Sana naman makuha ng dalawa ang gusto niyang sabihin. Si Scanver ay walang pag-asa kay Kathryn, at si Victoria ay nungkang magkakapag-asa sa kanya.

"Okay then, see you tomorrow night."

Elvin rolled his eyes when they left. Bakit ba nagkataong magkakakilala ang dalawang peste na yun sa buhay niya?

******************************

"Sintas, are you sure? PWede naman akong hindi pumunta." Sumasakit kasi ang ulo ng asawa niya.

"It's okay Sinta. I'll be fine later. Napagod lang talaga ako kanina sa park, sobrang init kasi."

"May oras pa naman, Sintas. Dito muna ako, baka sakaling maging okay ang pakiramdam mo." Umupo siya sa tabi ng asawa at minasahe ang noo nito.

"Sinta, okay lang talaga, next time, I'll come with you. Sige na, umalis ka na at nakakahiyang mahuli ka, grand entrance ang peg mo."

"Sandali, Inday? Halika nga muna."

"Yis Ser?"

"Tawagan mo ako kapag hindi naging okay ang pakiramdam ng Ma'am Kathryn mo ha."

"Yis Ser, ano po ang saket mo Mam?"

"Masakit yung ulo ko, Inday."

"Ah hid-ik, Mam. Sigi Ser, ako na ang bahala kay Mam."

"Thanks Inday. Ang kambal ha, patulugin mo ng maaga."

"Yis Sir!"

"Sinta, kapag sobrang gabi na at pagod ka na sa biyahe, sa condo ka na lang matutulog ha, mas malapit dun."

"Uuwi ako, Sintas. I love you. Alis na ako." Hinalikan niya sa noo ang asawa.

Tamang-tama lamang ang dating niya, malayo kasi sa bahay nila ang lugar. Agad siyang sinalubong ni Victoria na sobrang hapit na hapit sa katawan ang suot na itim na gown.

"Good to see you, Elvin...alone.  I mean, you're so handsome tonight."

Ngiti lang ang isinukli niya, mahaba pa ang gabi, mahirap namang masira agad. Pero talaga yatang inaalat siya dahil si Scanver naman ang sunod na nakita nila. Si Victoria ay nakahawak na sa kanang braso niya na feeling talaga nito ay siya ang escort.

"Where's Kathryn?"

"She's not feeling well, kaya nga sandali lang ako ngayon."

Napasimangot naman si Victoria. "Enjoy the night naman, Elvin, alam mong para sa ating lahat ito. I'm sure Kathryn can handle herself. Wait, I had invited a friend nga pala, he wants to see you."

Hinanap ng mga mata niya ang Papa at Mama ni Kathryn para makapagpaalam agad.  Pero iba ang nakita niya.

"EY."

Literal na napanganga siya. Si JB? Paanong nandirito ang lalaking ito?

"Elvin, you remember JB? I personally invited him since he's here in the country and hopefully will be here for good."

"Yah." Now he wishes that Kathryn is here beside him. Wala siyang kakampi.

"I'm back for good, EY." Ngumiti pa ito sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito? Ngingiti rin siya? Dapat siyang matuwa? Nevah! Sa totoo lang, kilabot ang nararamdaman niya ngayon. Ni tipid at pekeng ngiti ay hindi niya magawa.

"How are you, EY?" Malumanay na tanong nito.

"Eysus naman, JB. It's Elvin Yue, not EY or Ey, Bi, Si." Gusto niyang gawing joke yun pero hindi niya magawa. Seryoso siya ngayon, at malamang kahit sino siguro ang nasa sitwasyon niya sa oras na ito, magseseryoso.

"I hope you are happy to see, JB, Elvin. He said that you were very close before sa Canada."

Close ba kami dati? Saan banda?  

Gusto niyang sabihin, pero sige na, close sila ng very very slight, at pinagsisisihan na niya iyon.

"Yah, a bit. Alam mo naman, kapag kapwa pinoy at nasa ibang bansa, matutuwa kang maging kaibigan."

"Good! Kaya nga nalungkot ako nung umalis si JB sa team natin, Elvin, sana happy family tayo." Sabay yakap pa sa braso ni Elvin. Pinipigilan niya ang sarili na mag kame hame wave para burahin sa landas niya ang tatlong ito.

"Pwede ka pa namang bumalik sa ibang projects namin, tama ba, Elvin?" Tanong ni Scanver.

"Things about work should not be discussed here, Scanver. Ako ang magdedecide sa mga projects na naka toka sa akin. I guess, if JB is really interested, he will talk to me at the office, right JB?"

"Y-yah."

"Oh! Bakit ba puro tayo work? Let's enjoy the night! Since Kathryn is not around, I'll be your partner for tonight, Elvin."

Ngumiti si Elvin ng pagkatamis-tamis. Sabay sabing...

"Nobody can replace my WIFE, Victoria."

Bago pa sila nakapag react ay dumating na ang Papa ni Kathryn.

"Elvin, anak."

"Pa." Nagpasalamat siya at makakaalis na siya sa harap ng mga taong sobrang manhid yata.

"Kathryn called, tell her magpagaling or see the doctor immediately."

"Yes, Pa."

"Siyangapala, I'd like you to meet someone. Excuse us for a while."

"Yes, Sir." Sabay-sabay pa ang tatlo.

**************************************************

When I started this story, I was in a stressful work, now that I am free from stress, hindi ko talaga siya ma update kahit anong gawin ko. I guess I am more productive when I am tired, the fact that most of my humor stories were done in the middle of the night when I can't sleep. – Xian-

 

 

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon