13

224K 2.7K 262
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

13

“Next na agad ang plano naming magpakasal sa Huwes, okay naman po ang mga papeles na kakailanganin naming dalawa.” Pagbibigay alam ni Elvin sa mga magulang nila. Pinag-usapan na nila iyon ni Kathryn. Mabuti na lamang pala at may mga kakilala ang mapapangasawa niya kaya naasikaso ng maaga ang mga kakailanganin.

“Hindi na ba kayo talaga makapag-antay? Iba pa rin siyempre kapag sa simbahan ang kasal.” Ang Papa ni Kathryn.

“Hayaan na natin ang mga bata, desisyon nila iyan. Isa pa, nangako ka naman sa amin Elvin na magpapakasal kayo sa simbahan, hindi ba?”

“Opo, Mama.”

“Gawin nating tatlong buwan mula ngayon ang kasal sa simbahan, Balae.” Suhestiyon ng Mamang ni Elvin.

“Bakit ba tatlong buwan pa, isang buwan na. Kayang-kaya iyan!” Ang Papa ni Kathryn.

Ano ba naman itong mga magulang nila, yung totoo, sino ba talaga ang ikakasal?

“Pinag-usapan na po naming iyan ni Elvin, Mama, Papa, Mamang, Papang. Hindi na po naming mamadaliin ang kasal sa simbahan, ang importante po ay ang kasal naming sa Huwes.”

“Ay hindi anak! Kahit lalaki ang amin, importante pa rin ang may basbas ng simbahan. Ikakasal kayo sa simbahan pagkatapos ng isang buwan, huwag nyo nang alalalahanin ang mga dapat asikasuhin, kami na ni Balae aang bahala.” Tumingin ito sa Mama ni Kathryn.

“Oo nga naman, kami na ang bahala. Ang asikasuhin ninyong dalawa ay ang pag-oovertime ng paggawa ng apo namin.” Ang Mama ni Kathryn.

Wapak! Apo your face! Sa isip ni Elvin.

“Nakakahiya naman po, Mamang, Mama. Kami dapat ang mag-aasikaso niyan dahil kasal po namin.” Baka sakaling lumusot siya.

“Kuuu! Wala naman kaming iniisip na iba ng Mamang mo, Elvin. Kami na, tutal naman, ay okay na ang papers ninyong dalawa. Sa honeymoon na lamang kayo mag concentrate. Saan nyo ba balak pumunta ha?”

“Hindi pa po namin napag-uusapan ng Sinta ko, Mama.”

“Importante ang honeymoon, Anak. Alam mo bang jan ka naming nabuo ng Mama mo.” Nagsimula nang magka cramps si Elvin sa takbo ng usapan. Stop me! Sa isip niya.

“Hayaan mo at pag-uusapan namin ni Kathryn, Papa.”

“I’m really happy for both of you. Teka, saan nga pala kayo titira pagkatapos?” Ang Mama niya.

Iyan! Napag-usapan nila ni Kathryn yan. “Salitan po na condo ko at condo ni Kathryn. Sa ngayon po, yun muna ang set-up. Mas malapit po kasi ang condo ko sa trabaho ni Kathryn kaya dun siguro kami madalas, pero hindi naman po pupuwedeng iwang bakante ang unit ni Kathy kaya pupunta-punta rin po kami dun. Maghahanap rin po kasi ako ng bagong mapapasukan.”

“Hindi mo na kailangang maghanap, Iho. Sa kompanya na lamang naming ikaw tumulong, tutal naman ay nasa real estate business kami at architect ka, tamang-tama. Isa pa, magiging asawa ka na ni Kathryn.”

“Pa, napag-usapan na po naming yan ng Sinta ko. Balak po kasi niya na magtayo ng isang architectural firm. Gusto ko po siyang tulungan. Siguro Pa, kunin mo na lang ang service ni Elvin.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon