68

72.8K 1.5K 122
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

68

Karga ni Elvin si Kael at si Kathryn naman ay si Erynn, manonood sila ng pageant na sinalihan ni Inday.  Dahil mahal nila ang kasambahay ay todo suporta sila rito. Kasama pa ang Mama at Papa ni Kathryn. Sila ang titingin sa kambal mamaya dahil silang mag-asawa ay tutulungan si Inday sa backstage kasama ang make-up artist na kinuha nila.

"Ser! I'm nirbus! Nakulbaan na guid ako, Ser, Mam!"

"Ano ka ba, Inday. Kaya mo yan. Ikaw pa, magpapakabog! Malaki ang tiwala namin na mananalo ka, hindi ba Sintas?"

"See? Ang Ser mo na ang nagsasalita? Kakabahan ka pa ba?"

"Si Ser naman o." Sabay sundot sa tagiliran ng amo niya.

"Heh! Don't touch me! BEtchiwariwariwaps (gusto) ko lang na Winnie Santos ka tonight, para sa Sintas ko."

"Nagsisimula na naman kayong dalawa. Sige na Inday, nasa audience si Dodong ha, pinayagan ng Ser Ruel niya. Kaya galingan mo ha."

"Mas lalo ako nineybyus, Mam, Ser! Anjan ang kras ko." Kinikilig na sabi nito.

"Okay, ladies! Get ready now!" Sigaw ng baklang in-charge sa pageant. "Wait, ladies, say good evening to Ma'am Vicki! Isa siya sa mga organizers ng event na ito."

Sabay — sabay na binati ng mga contestants ang dumating. Sila namang tatlo ay napatingin sa direksiyon ng nagsalita. Kitang-kita nila si Victoria Andrews na nakangiti sa mga kalahok malapit sa kanila. Lumapad ang ngiti nito nung makita silang tatlo.

"Hey! Look who's here! Hi Elvin! Good to see you." Sabay halik sa pisngi ng nagulat na si Elvin. Tumaas ang kilay ni Kathryn. Parang hindi siya nakita.

"Hi Mes Biki." Masayang bati ni Inday sa kanya. Tinaasan ito ng kilay ng kaharap.

"It's Vickie." Pagtatama nito.

"Ay suri po, Mam Beke pala."

"Vicki! It's so simple, hindi mo pa makuha." Naiirita na ang kaharap. Gusto ng tumawa ni Kathryn. Wala pa nga siyang ginagawa, naiinis na si Victoria.

"Suri po ulit, Mam Bike, Beki, Biki, Beke. Suri. Mam B. na lang po."

"Whatever! I will not waste my time on you. Mga chimay nga naman! They can't even pronounce a simple word. Hindi na ako magtataka kung hanggang katulong na lamang kayo!" Komento nito na nagpakunot ng noo ni Elvin. Bago pa siya nakapagbigay ng komento ay nagsalita na ang kanyang asawa.

"Excuse me, Miss Andrews? But I guess this pageant is for them, to boost their confidence. Too bad I heard those nasty words from you."

Inakbayan ni Elvin si Kathryn, pinisil ang balikat nito ng marahan na para bang sinasabing huwag ng patulan ang kaharap nila. Hindi naman alam ni Inday ang sasabihin.

"OH! Kathryn! I thought you're somebody else. Ito naman kasing chimay mo, hindi kayang sabihin ng tama ang pangalan ko. Favor naman oh, pakituruan naman."

"Oh! Hindi na kailangan ni Inday ng lessons about not so important things. What's important is that she has good manners and poise in dealing with people like you." Sabay ngiti ng pagkatamis-tamis kay Victoria. "By the way, she's not a chimay, she's part of the family. Now, if you'll excuse us, we need to prepare for more important things rather than standing here talking to you. Halika na Sinta."

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon